
NOBYO NG DOKTORA, MAY ANAK DAW SA IBA? IYON NA BA ANG SISIRA SA MAGANDA NILANG RELASYON?
70:52 · 10,728 پلے
البم سے Mi Amor Tales
تفصیل
FULL STORY: Guanzon Series 6: The Child We Chose | NOBYO NG DOKTORA, MAY ANAK DAW SA IBA? IYON NA BA ANG SISIRA SA MAGANDA NILANG RELASYON? | Kilig Love Stories Tagalog Audiobook Inspirational Stories Written by: August R. Narrated by: Lenie Revised and rearranged by: Andrea Gale “Yes? How may I help you?” taas kilay na tanong niya. “Gusto kong makausap ang ama ng batang ‘to.” Mas lalong tumaas ang kilay ni Katana. “And?” “Nandito ba siya?” mataray na tanong nito. Bahagyang inalog-alog ang kargang bata dahil umingit. “Gusto ko siyang makausap. Papasukin mo kami.” “Excuse me?!” sumandal siya sa hamba ng pinto, hinaharangan ang babae at humalukipkip. “Baka nagkakamali ka, Miss. Akin ang condo na ito at walang ibang nakatira dito kundi kami ng boy—friend… wait!” Malawak itong ngumisi. Taas noo siyang tiningnan. “Tama! Ang boyfriend mo ang ama nang anak ko. Nasa’n si Cairo, ang tagal ko na siyang hinahanap. Pinagtataguan at tinatakasan ba niya ang responsibilidad niya sa batang ‘to?!” Napaayos siya ng tayo. May kung anong sakit ang gumuhit sa dibdib niya. Malalim siyang bumuntong-hininga. “Hindi ako maniniwala hangga’t hindi mismo nanggaling sa bibig ng boyfriend ko na kanya nga ang batang ‘yan, Miss. Makakaalis ka na. Kakausapin ko muna siya bago ang lahat.” “Hindi!” Matalim niya itong tiningnan. “At bakit hindi?!” “Wala na kaming mapupuntahan. Pinalayas ako ng mga magulang ko nang malamang buntis ako. Hirap na hirap na nga akong buhayin ang batang ‘to sa sinapupunan ko nang mag-isa ‘tapos ngayon, tatanggihan pa ng ama?” Ipinipilit nitong tumira sa condo na silang dalawa lang dapat ng kasintahan. Hindi niya naman ma-contact ang lalaki. Patatlong araw na ngayon ang trip nito kaya baka pauwi na ‘yon. “Sa’n ka nanganak kung ganoon? Sa’n ka tumutuloy ngayon? From the looks of that baby, isang taon na ‘yan o higit pa.” Hindi siya nito maloloko kung sasabihin nitong kapapanganak lang sa sanggol. “Answer me, Miss, bago ako magdesisyon.” “Wala nga! Hindi ko naman hahanapin ang walanghiyang tatay ng batang ‘
آپ کو یہ بھی پسند آ سکتے ہیں
- 1
البمHot On The Case
Breanna Heim... · 5,623 پلے
- 2
البمMiura Jam BR
Miura Jam BR · 7,544 پلے
- 3
البمSoledad y Talento
EL KINGY · 3,462 پلے
- 4
البمHunny Hideout
Dirty Merlin · 4,915 پلے
- 5
البمKG Black
KG Black · 6,954 پلے
- 6
البمLost On The Internet
MakcoH · 2,750 پلے
- 7
البمSpecter
Sleepy Hollow · 5,346 پلے
- 8
البمGOOD VIBES GOOD MORNING
523 پلے
- 9
البمSugarcoated
Cyanide · 6,041 پلے
- 10
البمShubham Pandey
Shubham Pandey · 6,475 پلے
- 11
البمFresh
Temple · 10,377 پلے
- 12
البمThe Yellow Curtain - Part One (Live)
Joni Mitchell · 6,295 پلے