
HOLY MASS TODAY LIVE at Santo Padre Pio National Shrine ^ Mayo 05, 2026 6AM
60:53 · 110,570 پلے
البم سے Catholic Mass Today Live (CMTL)
تفصیل
Parish and National Shrine of St. Padre Pio CATHOLIC LIVE MASS TODAY HEALING MASS (I|) May 05, 2026 EASTER SEASON - Healing Mass Paggunita kay San Vicente Ferrer, Pari MARTES sa Ika-5 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay || BANAL NA MISA. Online Mass Filipino Live Mass | UNANG PAGBASA Mga Gawa 14, 19-28 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol Noong mga araw na iyon, may mga Judiong dumating doon mula sa Antioquia at Iconio. Sinulsulan nila ang mga tao laban kay Pablo at kanilang binato siya. Pagkatapos, kinaladkad siya sa labas ng bayan, sa pag-aakalang patay na. Subalit nang paligiran siya ng mga alagad, nagtindig si Pablo at pumasok sa lungsod. Kinabukasan, nagtungo sila ni Bernabe sa Derbe. Ipinangaral nina Pablo at Bernabe ang Mabuting Balita sa Derbe, at marami silang nahikayat na maging alagad. Pagkatapos, nagbalik sila sa Listra, sa Iconio, at sa Antioquia ng Pisidia. Pinatatag nila ang kalooban ng mga alagad at pinagpayuhan na manatiling tapat sa pananampalataya. “Magdaranas muna tayo ng maraming kapighatian bago makapasok sa kaharian ng Diyos,” turo nila sa kanila. Sa bawat simbahan, humirang sila ng matatandang mamamahala, at matapos manalangin at mag-ayuno, ang mga ito’y itinagubilin nila sa Panginoon na kanilang pinananaligan. Tinahak nila ang Pisidia, at nakarating ng Panfilia. Ipinangaral nila sa Perga ang salita ng Diyos, at pagkatapos ay bumaba sila sa Atalia. Mula roon, naglayag silang pabalik sa Antioquia. Dito sila nagsimula ng gawaing ginanap nila matapos silang itagubilin sa pagkalinga ng Diyos. Pagdating doon, tinipon nila ang mga kaanib ng simbahan at isinalaysay ang lahat ng ginawa ng Diyos sa pamamagitan nila, at kung paanong binuksan niya ang daan upang makapanampalataya ang mga Hentil. At mahabang panahon silang nanatili roon, kasama ng mga alagad. Ang Salita ng Diyos. SALMONG TUGUNAN Salmo 114, 10-11. 12-13ab. 21 Talastas ng mga tao dakilang paghahari mo. o kaya: Aleluya! Magpupuring lahat sa iyo, O Panginoon, ang iyong nilalang; lahat mong nilikha ay pupurihin ka’
آپ کو یہ بھی پسند آ سکتے ہیں
- 1
البمAimo Kuosi
Aimo Kuosi · 5,886 پلے
- 2
البمAlexander Skrjabin, Klavierwerke 2 - Naturmystik und Seelenflug
Daniel Fritzen · 4,130 پلے
- 3
البمT.O.G Mixtape, Vol. 1
Trxbe of G.O.A.T.S · 4,881 پلے
- 4
البمSMS - SuperMitmachSongs
Eden Kids · 6,967 پلے
- 5
البمEl Rj
El Rj · 4,865 پلے
- 6
البمFlatline
The Resistance · 7,194 پلے
- 7
البمM Rapper King
M Rapper King · 5,293 پلے
- 8
البمAscension
MVRS · 6,767 پلے
- 9
البمTimothy Baechle
Timothy Baechle · 8,275 پلے
- 10
البمTimo$$
Timo$$ · 10,869 پلے
- 11
البمDisguise / Gotta Love
Amy Correa Bell · 4,720 پلے
- 12
البمTrick & Trap Mixtape, Vol. 1 (2025-2019)
Kartihana · 8,246 پلے