
HOLY LIVE MASS TODAY at Santo Padre Pio National Shrine ^ Mayo 4, 2026 6AM
70:23 · 214,686 پلے
البم سے Catholic Mass Today Live (CMTL)
تفصیل
Parish and National Shrine of St. Padre Pio CATHOLIC MASS TODAY LIVE HEALING MASS (I|) May 04, 2026 EASTER SEASON - Holy Mass LUNES sa Ika-5 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay || BANAL NA MISA. Online Mass Filipino Live Mass | UNANG PAGBASA Mga Gawa 14, 5-18 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol Noong mga araw na iyon, kumilos agad ang mga Hentil at ang mga Judio, kasama ng kanilang mga pinuno, laban sa mga apostol; binalak nilang lapastanganin at batuhin sila. Subalit nang malaman ito ng mga apostol sila’y tumakas patungo sa Listra at Derbe, mga lungsod ng Licaonia, at sa lupaing nasa palibot. At doon nila ipinangaral ang Mabuting Balita. Sa Listra, may isang lalaking di makalakad, sapagkat siya’y lumpo mula sa pagkabata. Nakaupo siya’t nakikinig sa pangangaral ni Pablo. Nang makita ni Pablo na ang lumpo’y may pananampalataya upang mapagaling, tinitigan niya ito, at malakas na sinabi, “Tumayo ka nang tuwid!” At lumukso ang lalaki at nagpalakad-lakad. Nang makita ng taong-bayan ang ginawa ni Pablo, sumigaw sila sa wikang Licaonia, “Nanaog sa atin ang mga diyos sa anyong tao!” Tinawag nilang Zeus si Bernabe, at Hermes naman si Pablo, sapagkat siya ang tagapagsalita. Nasa pagpasok ng lungsod ang templo ni Zeus. Nang marinig ng saserdote nito ang nangyari, nagdala siya sa pintong lungsod ng mga torong may kuwintas na bulaklak upang ihandog niya at ng taong bayan sa mga apostol. Nang malaman ito nina Bernabe at Pablo, hinapak nila ang kanilang mga damit at patakbong pumagitna sa mga tao. Sumigaw sila, “Mga ginoo, huwag ninyong gawin iyan. Mga tao rin kaming tulad ninyo! Ipinangaral namin sa inyo ang Mabuting Balita upang talikdan ninyo ang mga bagay na ito na walang kabuluhan, at manumbalik kayo sa tunay na Diyos na siyang gumawa ng langit, ng lupa, at ng lahat ng naroroon. Nang nakalipas na mga panahon, hinayaan niyang sundin ng lahat ng bansa ang kani-kanilang kagustuhan. Gayunma’y nagbigay siya ng sapat na katibayan upang makilala ninyo siya sa pamamagitan ng kabutihang ginagawa niya sa inyo: binibi
آپ کو یہ بھی پسند آ سکتے ہیں
- 1
البمUs Before Me
2,267 پلے
- 2
البمKahlan’s Destiny: Married to Mafia Lord
6,474 پلے
- 3
البمHow to Pray Out Loud
2,732 پلے
- 4
البمGeorge Cynnamon
George Cynnamon · 9,099 پلے
- 5
البمMike Nash Real i
Mike Nash Real i · 8,726 پلے
- 6
البمHow to Play the Fife for Beginners: The Ultimate Guide to Learning, Playing, and Becoming Proficient at the Instrument
349 پلے
- 7
البمBoy Killer
Boy Killer · 6,072 پلے
- 8
البمUnholy Verses
Dead Energy · 7,918 پلے
- 9
البمrbb
rbb · 10,059 پلے
- 10
البمA Post Hardcore Movement
Right Here Right Now · 4,380 پلے
- 11
البمRTSFM008
Nemec · 7,464 پلے
- 12
البمMicky Jen
Micky Jen · 9,275 پلے