
DOKTOR, INILIGTAS ANG ESTRANGHERO AT NAGPANGGAP NA ASAWA NITO PARA ILIGTAS DIN ANG BUHAY NIYA PERO..
70:25 · 5,591 پلے
البم سے Mi Amor Tales
تفصیل
FULL STORY: Guanzon Series 9: The Doctor’s Secret Child | DOKTOR, INILIGTAS ANG ESTRANGHERO AT NAGPANGGAP NA ASAWA NITO PARA ILIGTAS DIN ANG BUHAY NIYA PERO.. | Kilig Love Stories Tagalog Audiobook Inspirational Stories Written by: August R. Narrated by: Miss JeyEy Revised and rearranged by: Andrea Gale “Sino kayo?!” nahihintakutang tanong niya. Nanginginig na inaabot ang button sa ilalim ng table. Signal ‘yon na magno-notify kay Lincoln. “A-Ano ‘yan?!” Hindi na niya napindot ang button dahil sa gulat. Ang limang kalalakihan na may mga armas ay may dalang isang lalaking walang malay at halos hindi na makilala ang mukha. “Doktor ka?!” maangas na tanong ng isa. Gusto sana niyang sagutin nang pabalang pero baka naman sa halip na doktor nga siya ay maging pasyente pa. “Y-Yes.” “Operate on him!” utos nito at itinuro ang lalaking nakahandusay sa sahig ng kanyang clinic. “Hind—” tatanggi sana siya nang tinutukan siya ng baril. “Gagamutin mo o ikaw ang hahandusay rito at walang gagamot?!” sigaw ng lalaking mukhang leader ng mga ito. “Gamutin mo kung ayaw mong masaktan!” Hindi siya sigurado kung tama ang nakita niya pero nahagip ng tingin niya ang bahagyang pagtango ng isang lalaking kasama ng mga armado. Nakatitig ito sa kanya. Lalo siyang kinabahan. Nangangatal siya sa takot. “A-Ah… gagawin ko p-pero ka—kailangan ko ng gamit at… at—I need h-help! Tatawag ak—” Sinenyasan ng leader ang lalaking tumango sa kanya kanina. “Tulungan mo!” “Hindi pwedeng—” Narinig niya ang buntong-hininga ng lalaki. “I have a background in medicine. Don’t worry.” Bulong nito. “O-Okay. We… we need to move him to the operating room.” Binuhat ng mga armado ang lalaking walang malay sa OR. Hindi pa sana aalis ang mga ito kung hindi siya nagsalita. Humugot siya ng tapang. Hindi siya makakahingi ng tulong kaya kailangan niyang iligtas ang sarili niya. “Hindi ako makakapagtrabaho kung ramdam kong hindi ligtas ang paligid. Kung g-gusto niyo s-siyang maging maayos, sundin niyo ang sasabihin ko!” -- ******************* DISCLAIMER: This
آپ کو یہ بھی پسند آ سکتے ہیں
- 1
البمChampaign Radio
5,382 پلے
- 2
البمMitchell Yard Radio
BOB ROGERS · 3,333 پلے
- 3
البمLee Ranaldo
Lee Ranaldo · 4,302 پلے
- 4
البمАнна Дронова
Анна Дронова · 9,205 پلے
- 5
البمbuster_artist
buster_artist · 11,229 پلے
- 6
البمNumbers
174 پلے
- 7
البمFilterheadz Radio
8,665 پلے
- 8
البمJohnny Mafia Radio
2,571 پلے
- 9
البمTisDass Radio
TisDass · 7,623 پلے
- 10
البمA Pocket Full of Pie: A College Campus Murder Mystery
5,661 پلے
- 11
البمLo-fi Beats To Relax and Study To, Vol. 36
Wood Grain Cafe · 3,700 پلے
- 12
البمflux
^NIGHT^ · 1,851 پلے