SpotifyToMP3
CEO, NABIGHANI SA MAGANDANG HARDINERA. PATITIRAHIN NIYA ITO SA MANSYON AT BIBIGYAN NG TRABAHO, BAKIT

CEO, NABIGHANI SA MAGANDANG HARDINERA. PATITIRAHIN NIYA ITO SA MANSYON AT BIBIGYAN NG TRABAHO, BAKIT

82:49 · 363,275 پلے

البم سے AMIHAN STORIES

تفصیل

Amihan Stories Love Story | FULL STORY: CEO, NABIGHANI SA MAGANDANG HARDINERA. PATITIRAHIN NIYA ITO SA MANSYON AT BIBIGYAN NG TRABAHO, BAKIT KAYA ANG BAIT NIYA SA DALAGA? Pinoy Romance Audiobook | Tagalog Love Story | Love Story Tagalog | Pinoy story Written by: Undeniably Fool Narrated by: Sasa Edited by: Amihan Title: When Pretty Hardinera Meets the CEO Exclusively written for Amihan Stories "Mich! Tapos ka na ba riyan sa garden?! Alas-cinco na, ah! Aba'y magpahinga ka naman!" Napalingon si Mich kay Manang Norma, ang mayordoma sa mansyon kung saan siya nagtatrabaho bilang hardinera. "Sige po! Tapusin ko lang po 'to!" "Sige! Magpahinga ka na pagkatapos mo riyan, ha?!" "Opo! Salamat po, Manang Norma!" Nang makaalis si Manang Norma ay nagpatuloy si Mich sa paghahakot ng mga tuyong dahon at nilagay sa sako. Maya-maya ay natapos na din siya at nagtungo na sa likod ng mansyon kung saan siya natutulog kasama ang ibang tauhan ng mansyon. Nakasalubong niya sa pintuan ang isa sa mga cook na si Nancy. "Mich, tapos ka na sa garden? Ako mag-uumpisa pa lang sa trabaho ko. Special ang mga lulutuin namin dahil may mga bisita si Sir Manolo mamaya." Napangiti siya rito. "Ayos lang 'yon, Nancy. Mas mataas naman ang sahod mo kaysa sa 'kin. Ang trabaho ko lang naman ay maglinis ng garden araw-araw saka tumulong minsan sa paglilinis ng mansyon." "Sabagay, tama ka. Pero excited ako kasi isa ako sa magse-serve mamaya sa dinner nila." Natawa si Mich sa kinikilig nitong itsura. "Bakit parang kinikilig ka riyan?" "Balita ko kasi 'yong dalawang magkapatid na Salvaterra ang pupunta rito. Si Sir Leandro at si Sir Logan. Kilala mo ba sila?" "Ah, si Sir Logan lang ang kilala ko. Ilang beses na siyang nagpunta rito para dalawin si Ma'am Angelica," tukoy niya sa 25 years old na anak ng kaniyang amo. Kaedad lang din niya ang babae at sopistikada itong manamit. "May older brother siya. Si Sir Leandro at nakita ko sa magazine na super duper mega over pogi siya." Natawa siya rito. "OA sa compliment, ha. Bakit mo naman siya nakita sa

آپ کو یہ بھی پسند آ سکتے ہیں