
Bakit May Mga Santo Niño na Parang Hindi Lang Rebulto? | Community Stories Podcast
1:00 · 6,167 پلے
البم سے Jamora Horror Stories
تفصیل
Sa episode na ito ng Community Stories Podcast, pag-uusapan natin ang iba't ibang karanasan ng mga taong nakaranas ng kakaiba kaugnay ng Santo Niño, Mama Mary, at iba pang religious statues.May mga nagsabing gumalaw ang rebulto.May nakakita raw na kumindat.May nakaramdam na parang sinusundan sila ng tingin.May nakakita ng batang tila lumilitaw sa paligid ng Santo Niño.At may ilan na matapos ang isang nakakatakot na karanasan ay nagkaroon ng matinding takot sa mga rebulto.Pag-uusapan din natin ang automatonophobia — ang matinding takot sa mga bagay na kahawig ng tao, kabilang ang statues, mannequins, dummies, at iba pang human-like figures.🕯️ PAALALAAng episode na ito ay hindi ginawa upang mang-insulto, manghusga, o mawalan ng respeto sa anumang relihiyon o paniniwala.Ang mga kwentong maririnig ninyo ay mga personal na karanasan ng iba't ibang indibidwal na ating nakalap mula sa online communities at sa ating mga Ka-Uwak. Pinagsama-sama natin ang mga ito para sa storytelling at open discussion tungkol sa iba't ibang pananaw at karanasan.Hindi natin sinasabing ang mga kwentong ito ay napatunayang paranormal, at hindi rin natin layuning patunayan o pabulaanan ang paniniwala ng sinuman.Iba-iba ang ating pananampalataya, karanasan, at pananaw.Kaya mga Ka-Uwak, panatilihin nating maayos at respectful ang conversation sa comments. Walang kailangang insultuhin dahil lamang sa magkaiba tayo ng paniniwala.Kung mayroon kayong sariling experience tungkol sa Santo Niño, mga rebulto, religious statues, o anumang hindi ninyo maipaliwanag, share ninyo sa comments.Baka ang kwento ninyo ang maging bahagi ng susunod nating Community Stories Podcast. 🖤Welcome sa Jamora Horror Stories.Magkwento. Makinig. Magtanong.At higit sa lahat, respetuhin ang isa't isa.
آپ کو یہ بھی پسند آ سکتے ہیں
- 1
البمWolfless Luna's Mate
40,286 پلے
- 2
البمMendy Hershkowitz Band Radio
8,308 پلے
- 3
البمGõ Cửa Tình Yêu
Tam ca áo trắng · 8,815 پلے
- 4
البمPablo Belman
Pablo Belman · 7,895 پلے
- 5
البمSeres Vacios
Seres Vacios · 1,790 پلے
- 6
البمBig Fella
Big Fella · 4,341 پلے
- 7
البمThe Middle East Massacre
Slaughterhouse · 174 پلے
- 8
البمJo Masino
Jo Masino · 174 پلے
- 9
البم绿意盎然的诗
Audio Alchemy Alliance · 5,462 پلے
- 10
البمA cachos
KHAAY · 6,585 پلے
- 11
البمAt Sea EP
Flavvio · 5,650 پلے
- 12
البمTaboo & Ecstasy
Glümwalker · 11,159 پلے