SpotifyToMP3
BABAE, BINAYARAN PARA TULUNGAN ANG EX NA MAKAALALA. NGUNIT HEARTBREAK NA NAMAN YATA ANG MAPAPALA!

BABAE, BINAYARAN PARA TULUNGAN ANG EX NA MAKAALALA. NGUNIT HEARTBREAK NA NAMAN YATA ANG MAPAPALA!

74:54 · 174 پلے

البم سے Dear Amihan Stories

تفصیل

Tagalog Love Story | FALLING FOR MY EX-BOYFRIEND AGAIN | BABAE, BINAYARAN PARA TULUNGAN ANG EX NA MAKAALALA. NGUNIT HEARTBREAK NA NAMAN YATA ANG MAPAPALA! | Inspirational Love Story Kilig Love Story Tagalog Romance Written by: Cloverdeffudil Narrated by: Miss JeyEy Edited by: Andrea Gale “Ano po? Naaksidente si Ezekiel?” gulat na tanong ni Amari Carter nang tumawag ang ina ni Ezekiel para sabihin ang nangyari sa anak nito. “Ayon sa doktor, nagkaroon siya ng traumatic brain injury dahil sa malakas na impact ng ulo niya sa manibela. Base sa investigation ng mga pulis na rumesponde, nawalan daw siya ng kontrol sa sasakyan dahil may biglang dumaan na truck sa intersection, umiwas siya, pero doon na siya bumangga.” Umawang ang bibig niya sa narinig. “Kumusta na po siya ngayon?” umapaw ang pag-aalala sa dibdib ni Amari. Ezekiel is not just some guy she knew—he’s her ex. Dalawang taon na ang lumipas nang maghiwalay sila, at kahit malaki ang galit niya rito, hindi niya pa rin gugustuhing may mangyaring masama sa lalaki. “Stable na raw ang vital signs niya, pero nagkaroon siya ng retrograde amnesia.” “Ano?!” Napatayo siya sa gulat, dahilan para mapatingin sa kanya ang mga magulang niyang nanonood ng TV sa sala. “Sa kasamaang-palad, ikaw lang ang naaalala niya, hija.” “Oh, my God, as in ako lang? Pero Tita, ‘di ba may girlfriend siya? Ibig sabihin…” “Wala siyang ibang naaalalang babae kundi ikaw lang. Ang huli niyang naaalala ay kayo pa at maayos ang relasyon ninyo. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa kanya ang lahat dahil wala siyang ibang bukambibig kundi ang pangalan mo—hinahanap ka niya sa akin. Napatawag ako para sana humingi ng pabor.” “Sige po, Tita. Ano po ‘yon?” “Baka naman puwede kang bumisita sa bahay, at manatili rito kahit ilang linggo lang, hanggang sa makaalala si Ezekiel.” “Ano po?” Natigilan siya at tila umurong ang dila. She wasn’t ready to see him—lalo na sa ganoong kalagayan nitong wala itong maalala. “Huwag kang mag-alala, handa naman akong magbayad. Ituring mo na lang itong trabaho

آپ کو یہ بھی پسند آ سکتے ہیں