SpotifyToMP3
TINANGGAL NG COLD NA COLONEL ANG BABAENG COOK SA KAMPO.ITO PALA ANG NAGPALAKI SA NAWAWALA NYANG ANAK

TINANGGAL NG COLD NA COLONEL ANG BABAENG COOK SA KAMPO.ITO PALA ANG NAGPALAKI SA NAWAWALA NYANG ANAK

105:27 · 2,093 plays

From the album AMIHAN STORIES PODCAST

Description

Amihan Stories Love Story | TINANGGAL NG COLD NA COLONEL ANG BABAENG COOK SA KAMPO. SUBALIT BUONG TAPANG NA NAGBALIK SA KAMPO SI RIKA DALA ANG LARAWAN NI COLONEL AT NG ISANG BABY. SI RIKA PALA ANG NAKAKUHA AT NAGPALAKI SA NAWAWALA NIYANG ANAK! PAANO NIYA SUSUYUIN ANG BATA NGAYONG INIS NA ITO SA KANYA DAHIL SA PAGTANGGAL NIYA SA INA NITO SA KAMPO? MAY MGA LIHIM DING MABUBUNYAG, ANO IYON? | Pinoy Romance Audiobook | Tagalog Love Story | Love Story Tagalog | Pinoy story A Story Written by: Maybel Abutar Narrated by: Sasa Edited & Produced by: Amihan Title: The Cold Soldier and His Missing Son (Santillanes Series 1) Crafted exclusively for Amihan Stories Maagang naglakad si Rika kasama ang anak niyang si Anriko sa Fort San Isidro Training Camp. Mahigpit niyang hawak ang maliit nitong kamay habang papasok sila sa kitchen area. Pagdating doon, pinaupo niya ang bata sa bakanteng upuan sa gilid ng kusina. "Anriko," mahina niyang sabi. Bahagya siyang lumuhod para magpantay sila ng bata. "Dito ka lang muna sa upuang ito, ha. Huwag kang aalis dito hanggat hindi ako bumabalik. Maglaro ka lang nitong baril-barilan mo. Babalik din ako kaagad pagkatapos kong magluto. Naiintindihan mo ba?" Seryosong tumango si Anriko, pero halata ang excitement sa mukha nito. "Opo, Mama. Maghihintay po ako rito tulad ng dati." Ngumiti si Rika at marahang ginulo ang buhok ng bata. "Good boy." Hinalikan niya ito sa magkabilang pisngi bago nagsimula sa kanyang trabaho. Isang sibilyang tagaluto si Rika at tanging sa kusina lamang ang pwede niyang puntahan kapag nasa loob ng kampo. Mahigpit ang patakaran doon pagdating sa mga sibilyan. Nakapasok lang siya sa trabaho dahil sa yumao niyang ama na dati ring sundalo at tagaluto sa kampo. Habang abala sa ginagawa, lumapit si Charlie sa kanya—isa itong babaeng sundalo na naka-assign sa kusina. "Rika, baka hindi mo pa nababalitaan na inilipat ng destino si Sir Fajardo at bago na ang battalion commander dito sa kampo. Mag-ingat ka na huwag makasalubong si Colonel Marco Santillanes. Baka ipagbawal

You May Also Like