SpotifyToMP3
NAGPASYA SI ATTORNEY NA MAGBAKASYON MUNA MATAPOS IWAN NI EX. MULI PALA NIYANG MAKIKITA SI FIRST LOVE

NAGPASYA SI ATTORNEY NA MAGBAKASYON MUNA MATAPOS IWAN NI EX. MULI PALA NIYANG MAKIKITA SI FIRST LOVE

83:53 · 2,093 plays

From the album ISTORYA NI AMIHAN

Description

Nagbakasyon sa Bohol si Jasmine para makalimot sa dating kasintahan, pero bakit parang mas lalong naging magulo? Pinagtagpo ng tadhana ang dalawang sawi at nagkataon pa na ex nila ang magjowa na ngayon. Engaged for show, in love for real na nga ba si Jasmine at Attorney Harper? Alamin ang kwento niya at ng guwapong abogado mula sa angkan ng mga Buenavista. BUENAVISTA Complete Series PLAYLIST - https://www.youtube.com/playlist?list=PLmAopaeiPuS8njcGFQudaKhFKFKI_wQtS ISTORYA NI AMIHAN LOVE STORY | Tagalog Love Story | TAGALOG STORY Written by: Clefairy Narrated by: Sasa Edited by: Amihan Title: Marrying The Hot Attorney (Buenavista New Generation Series 25) Exclusively written for Istorya Ni Amihan Preview: "Himala, Attorney, at naisipan mong magbakasyon!" wika kay Harper Buenavista Jennings ng pinsan at kapwa abogado niyang si Bryan. "I need to take a break after that last case," sagot ni Harper sa pinsan. Isang abogado si Harper. Civil lawyer siya sa Buenavista Law Firm, ang law firm na pag-aari ng pamilya ng kanyang inang si Bettina Buenavista. "Baka naman may kinalaman itong pagbabakasyon mo sa lovelife mo? Nabalitaan ko kay Hailey, iniwan ka raw ng girlfriend mo, ah," wika ni Bryan. Ang tinutukoy na Hailey ng kanyang pinsan ay ang bunsong kapatid ni Harper. Pangatlo ang binata sa apat na anak ng mag-asawang Bettina Buenavista at Harold Jennings. Panganay ang Kuya Hunter niya na sinundan naman ng kanyang Kuya Harrison. Pareho ng may asawa ang dalawang nakatatandang kapatid at sila na lang ng bunsong si Hailey ang nananatiling single. Napailing si Harper sa nakatatandang pinsan. "Ang dami mong ginagawa dito sa firm, may panahon ka pa para tsumismis, Kuya Bryan?" Natawa ang pinsan bago ito sumeryoso. "Are you okay, Harper? Sabi ni Hailey, iyong ex-girlfriend mo raw ang nakipaghiwalay sa'yo, ah?" Tipid na ngumiti at tumango si Harper. "Thanks for the concern, Kuya, but I'm fine." Gaya ng sinabi ng pinsan, isang buwan na ang nakalilipas nang hiwalayan si Harper ng nobyang si Rachel. Anim na buwan ang

You May Also Like