SpotifyToMP3
MAG-ASAWA, NAIS NANG MAGHIWALAY PERO NIREKOMENDA NG LAWYER NA MAGSAMA MUNA NG 30 DAYS SA BAHAY...

MAG-ASAWA, NAIS NANG MAGHIWALAY PERO NIREKOMENDA NG LAWYER NA MAGSAMA MUNA NG 30 DAYS SA BAHAY...

67:46 · 3,662 plays

From the album Dear Amihan Stories

Description

Tagalog Love Story | 30 Days Before Annulment | MAG-ASAWA, NAIS NANG MAGHIWALAY PERO NIREKOMENDA NG LAWYER NA MAGSAMA MUNA NG 30 DAYS SA BAHAY... | Inspirational Love Story Kilig Love Story Tagalog Romance Written by: Cloverdeffudil Narrated by: Miss JeyEy Edited by: Andrea Gale “Kung gano’n, paano paghihiwalayin ang mga assets namin? Gusto ko po sanang ako na ang maging legal na may-ari ng bahay,” sabi niya. “Hoy, teka lang! Anong bahay? Pumayag ba ako na mapunta ’yun sa ’yo?” sabad ni Oliver. “Eh, bakit? Hindi ba’t may karapatan naman ako sa bahay ko?” “Bahay natin ’yun. Inaangkin mo agad, eh, wala pa namang napagdedesisyunan.” “Well, think about it,” sagot niya habang nakataas ang isang kilay. “Ako ang nag-design ng bahay na ’yon. Ako ang nagplano ng bawat sulok—mula sa layout ng floor plan, hanggang sa interior concept at spatial planning. Ako ang nag-sketch ng architectural design. Ako ang pumili ng materials. Pati ang lighting placement at room proportions, pinag-isipan ko. Ang bahay ay may malaking parte sa buhay ko, kaya hindi ’yun puwedeng mapunta sa ’yo.” Si Andrea ay isang licensed architect na nagtatrabaho sa isang kilalang architectural and design firm. Sa lahat ng proyektong nahawakan niya—ang bahay na iyon ang tanging disenyo na ginawa niya hindi para sa isang kliyente, kundi para sa sarili niyang pangarap na pamilya. Kaya hindi niya maiwasang maramdaman na may bahagi ng sarili niya ang nakatayo sa bawat pader ng bahay na iyon. “Nakalimutan mo yata na ako ang nagtayo ng bahay na ’yun. Your design wouldn’t be possible without me. Yung bahay na pangarap mo, tinupad ko. Kaya malaki rin ang parte ko ro’n,” balik na sagot ng lalaki. Napailing siya. Si Oliver ay isang civil engineer. Mataas ang posisyon nito at walang duda na magaling talaga pagdating sa construction. Ngayon ay mahihirapan siya kung paano mapupunta sa kanya nang legal ang bahay na pinangarap nilang dalawa noon. “Maraming magagaling na engineer. Ang taas naman ng tingin mo sa sarili mo.” “Ah basta. Hindi ’yun puwedeng mapunt

You May Also Like