
CEO MAS PINILI MABUHAY NA SIMPLENG KARGADOR KESA SUNDIN ANG INA.MAKIKILALA NYA ANG SUPLADANG TINDERA
87:51 · 332,930 plays
From the album AMIHAN STORIES
Description
Amihan Stories Love Story | FULL STORY: CEO, MAS PINILI MABUHAY NA SIMPLENG KARGADOR KESA SUNDIN ANG INA.MAKIKILALA NIYA ANG SUPLADANG TINDERA. LAGI NIYA ITONG AASARIN HANGGANG SA MAPA-IBIG. MATANGGAP KAYA ITO NG KANYANG INANG MAYAMAN? | Pinoy Romance Audiobook | Tagalog Love Story | Love Story Tagalog | Pinoy story Written by: Undeniably Fool Narrated by: Sasa Edited by: Amihan Title: When a Supladang Tindera Meets a Secret CEO Exclusively written for Amihan Stories "Bili na po kayo ng gulay! Fresh na fresh po ang gulay namin! Fresh from my lola's wonderful tumana!" masiglang alok ni Monique sa mga dumaraang mamimili sa kanilang stall. "Monique, apo. Bumili ka muna ng almusal mo," wika ng kaniyang 65 years old na lola na si Lola Pinyang. "Hindi na po, lola. Nagkape naman po ako." "Sobrang aga mong nandito sa palengke, apo. Baka magkasakit ka na niyan. Halos wala ka nang pahinga." "Naku, lola. Huwag n'yo akong isipin. Kayang-kaya ko gumising nang maaga para magtinda rito sa palengke. Kayo nga po dapat ang nagpapahinga na lang sa bahay. May arthritis na kayo." "Hindi naman kita pwedeng pabayaan dito. At saka ako pa ba? Hindi ko pa ipinapanganak ang nanay mo, dito na ako sa palengke namamalagi at nagtitinda ng mga gulay. Pero ngayong wala na ang nanay mo, ikaw na ang magmamana ng pwesto ko rito kung sakaling mawala na ak—." "Hep... hep!" Putol niya sa lola. "Ayoko pong marinig 'yan, 'La! Tama na po sa pagiging morbid! Hindi pa kayo mawawala! Ikaw na lang ang pamilya ko kaya hindi ko na kakayanin kapag pati kayo'y kinuha sa akin! Iniwan na nga ako ni nanay, eh!" Tumatawang niyakap si Monique ng kaniyang lola at pinanggigilan siya sa pisngi. "Hay naku, ang apo ko. Dahil sa 'yo, hindi ko na masyadong dinadamdam ngayon ang pagkawala ng Nanay Marlita mo. Kung hindi lang siya maagang kinuha ng sakit niyang kidney disease, mas masaya sana tayo ngayon. Hindi man mayaman pero magkasama at nagmamahalan." "Kaya nga po, lola. Nami-miss ko na nga rin po si nanay. Sampung taon ako noong nawala siya. Kahit 25 na ako ng
You May Also Like
- 1
AlbumCAN Radio
CAN · 4,373 plays
- 2
Albumprojeto Querino
Tiago Rogero e Rádio Novelo... · 6,283 plays
- 3
AlbumBhagavad Gita - Swami Sarvapriyananda
Vedanta Society of New York - Archives... · 12,029 plays
- 4
AlbumMOTORCADE
MOTORCADE · 7,673 plays
- 5
AlbumFrequency 432
6,267 plays
- 6
Album12 Dukes of Christmas: Book 2
1,857,534 plays
- 7
AlbumAbba in Bossa
Claudia Barbosa · 4,374 plays
- 8
AlbumLEVERAGING TECHNOLOGY FOR SUCCESS: Advice for Tech Startups and SMEs
5,050 plays
- 9
AlbumLounge Relax Radio
6,025 plays
- 10
AlbumNewroz
Hiwa Akreyi · 5,220 plays
- 11
AlbumBeat of the Drum
Lil Mike & Funny Bone · 9,766 plays
- 12
AlbumSisponiS
Sinopsis · 3,420 plays