
CEO, INTERESADO SA SINGLE MOM. PERO PAANO KUNG KONEKTADO ITO SA TRAUMA NIYA MULA SA NAKARAAN?
75:49 · 4,624 plays
From the album Mi Amor Tales
Description
FULL STORY: THE CEO’S IN LOVE WITH THE SINGLE MOM | CEO, INTERESADO SA SINGLE MOM. PERO PAANO KUNG KONEKTADO ITO SA TRAUMA NIYA MULA SA NAKARAAN? | Kilig Love Stories Tagalog Audiobook Inspirational Stories Written by: GreenRian22 Narrated by: Fatima Revised and rearranged by: Andrea Gale "Miss, wait a minute!" Natigilan siya sa narinig, hindi niya alam kung siya ba ang tinatawag ngunit huminto siya sa paglalakad at lumingon sa kanyang likuran. Napahigpit ang kapit niya sa plastic container na dala nang makitang ang lalaking laman ng isip niya ang nasa kanyang harapan, hinihingal ito at pinagpapawisan dahil sa paghabol sa kanya. "You have to give me a free taste," wika nito nang makabawi. "Ang bilis mong maglakad, muntik na kitang hindi maabutan, mabuti na lang dahil natandaan ko na ang ganda—este natandaan ko ang mukha mo." Napaawang ang labi niya, hindi niya maitago ang kabang nararamdaman. "P-Pero ang sabi po ng kaibigan mo. . . Hindi ka kumakain ng ganito. Ayaw mo raw sa matatamis." "That guy was just joking around. Natatakot lang siyang baka maubos ko 'yang free taste mo kapag natikman ko," sagot nito bago ngumiti, domoble ang ka-gwapuhan nito dahil sa ginawa. "So, ano? Pagbibigyan mo ba 'kong tikman 'yang cupcakes mo?" Hindi na siya nagsayang pa ng oras at mabilis na ibinigay ang isang pirasong laman ng plastic container. Tinanggap 'yon ng lalaki at mabilis na tinikman, hindi niya alam kung bakit kinabahan siya kahit pa alam niya namang totoo namang masasarap ang mga gawa niya. Ngunit lahat ng kaba niya ay nabura noong mapangiti ito... "Wow. I love this. Sigurado ka bang home-made 'to?" gulat nitong sabi. "Pwede ka nang magtayo ng sarili mong bakeshop. You're so talented." "Talaga po, Sir? Nagustuhan mo?" tanong niya, kahit hindi ito bumili sa kanya, pakiramdam niya ay magiging masaya pa rin siya dahil sa naging reaksyon nito. "Yeah, who doesn't?" "Thank you po, Sir. Masaya akong nagustuhan niyo." Ngumiti rin ito bago tumango. "By the way, what's your name?" "Samira. . . Samira Lopez." "Nice
You May Also Like
- 1
AlbumRyan Trott
Ryan Trott · 4,740 plays
- 2
AlbumUnkick
Unkick · 8,898 plays
- 3
AlbumBreak Of Dawn
Rene Andersen · 8,408 plays
- 4
AlbumPowers
5,385 plays
- 5
AlbumLes Sales Majestés
Les Sales Majestés · 4,064 plays
- 6
AlbumDJ Towii Mixes
DJ Towii... · 6,275 plays
- 7
AlbumBabatrtr
Babatrtr · 9,848 plays
- 8
AlbumCorporate Gandhi - Narayan Murthy[marathi]
11,438 plays
- 9
AlbumN.A.L.A.
N.A.L.A. · 4,670 plays
- 10
AlbumMandoWando
4,834 plays
- 11
AlbumSad Romance
37,496 plays
- 12
AlbumLeyruk
Leyruk · 6,127 plays