SpotifyToMP3
BABAE, NAGING BOSS ANG NAKABUNTIS SA KANYA NOON. IPAKIKILALA NYA BA ITO SA QUADRUPLETS?

BABAE, NAGING BOSS ANG NAKABUNTIS SA KANYA NOON. IPAKIKILALA NYA BA ITO SA QUADRUPLETS?

69:31 · 5,081 plays

From the album Mi Amor Tales

Description

FULL STORY: Guanzon Series 4: Accidentally Meeting my Quadruplets’ Daddy | BABAE, NAGING BOSS ANG NAKABUNTIS SA KANYA NOON. IPAKIKILALA NYA BA ITO SA QUADRUPLETS? | Kilig Love Stories Tagalog Audiobook Inspirational Stories Written by: August R. Narrated by: Lenie Revised and rearranged by: Andrea Gale “Mabuti naman at nandito ka na. This is Miss Elena Abueva, your new Sports Physical Therapist. Nawa naman ay magtagal na sa ‘yo, ano?” prangkang turan ng matanda sa bagong dating. “Pagod na akong maghanap para may makakatuwang ka sa bawat laro mo. Masyado ka pa namang mapusok.” “I told you I don’t need a therapist.” Angil nito sa malalim at malat na boses. “Ang kulit mo lang.” Napapakamot na lang siya sa ulo dahil sa sagutan ng dalawa. Parang nag-aaway na. Nanatili siyang tahimik na nakikinig. Totoo nga ang bali-balita tungkol sa binatang athlete. Masungit ito. “Hindi nga pwedeng hindi, Chrysander! Masyado kang mapusok at hindi inaalagaan ang katawan. Masyadong mahalaga ang pagiging healthy sa uri ng trabaho mo.” “Ah! Whatever. Baka naman walang ginawa ‘yan kundi tumingin sa katawan ko tulad no’ng mga una mong nakukuha.” Wala siyang pakialam. Natural na sa kanya ang makakita ng mga katawan ngunit sa pagtalikod nito ay nanlaki ang mga mata niya dahil sa nakita. Iyon ang unang beses na nakita niya ito dahil hindi naman siya nanonood ng MMA. He has a dragon tattoo on the back of his right shoulder. “Pwede magtanong?” singit niya sa sagutan ng dalawa. Tinaasan siya ng kilay ni Chrys. “What?” “Yong—yong tattoo sa likod mo, m-matagal na ba ‘yan?” Mas lalong tumaas ang kilay ng lalaki. Ang manager naman nito ay tumikhim. “Why’d you ask?” Ikiniling niya ang ulo. “N-naitanong ko lang.” Umirap si Chrysander bago tumayo at nagpaalam. “Aalis na ako. I need to go back to training.” -- ******************* DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to actual persons, events, or locations is purely coincidental. The audiobook version—including its script, narration, and visual presentation—is an

You May Also Like