SpotifyToMP3
Ang KWENTO ng DIABLO | Lucastory

Ang KWENTO ng DIABLO | Lucastory

7:23 · 1,971 plays

From the album Lucastory

Description

Ang Maikling Kwento at Kasaysayan ng Diablo/ A Brief story and History of Devil/ Lucastory Sa modernong pagsasalin ng Bibliya, ang diyablo ay kilala nating lahat bilang kalaban ng diyos at ng mga tao ng diyos. Ito ay unang nagpakita sa bibliya sa aklat ng Genesis bilang ahas na kumumbinsi kay Eba na noon ay nakumbinsi si Adan na kumain ng ipinagbabawal na bunga mula sa puno ng kaalaman sa garden of Eden. Ang Diyablo, ay tinatawag ding Satanas, kilala bilang personipikasyon ng kasamaan at kaaway ng mabubuting tao. Ang kanyang imahe at kuwento ay umusbong sa paglipas ng mga taon, ito ay may maraming mga pangalan sa ibat ibang kultura tulad ng Beelzebub, Lucifer, Satanas at Mephistopheles na may mga sungay, buntot at matutulis na mga kuku. Ngunit paano siya naging kalaban na may maraming pagkakilanlan? Bagama't ang Diyablo ay may mga version sa ilang anyo sa maraming relihiyon at maihahambing sa ilang mitolohiyang diyos. Ayon sa kuwento, matapos matukso si Eva sa mga mapagkunwaring paraan ng Diyablo, siya at si Adan ay pinalayas mula sa garden of Eden at napahamak sa pagiging mortalidad. Maraming mga Kristiyano ang naniniwala na ang Diyablo ay dating anghel ng diyos, isa na rito si Lucifer. Si Lucifer ay ang isa sa pinaka importanting nilalang na nilikha ng diyos, ito ay dahil sa marami nitong katangian at may magandang pisikal na anyo sa lahat ng mga anghel, ngunit siya ay naging mapagmataas. Sa labis na paghanga ni Lucifer sa kanyang sarili bilang perpektong nilalang, ninais nitong magkaroon ng sariling trono at maging kapareho ng diyos. Nagpakawala si Lucifer ng labanan sa langit kasama ng kanyang legions, ngunit nakasagupa siya ng isang namumukod tanging kalaban na si Archangel Michael na isang dakilang mandirigma at pinuno ng makalangit na hukbo. Nagpalit anyo si Lucifer bilang isang makapangyarihang dragon para labanan si archangel na may naglalagablab na espada. Dahil kasama ni Michael ang diyos, si Lucifer at ang kanyang hukbo ay nahulog sa mundo mula sa langit at nakulong sa impyerno. Ito ay nakabatay mismo

You May Also Like