
AKALA NG DALAGA AY BASURA ANG NAHULOG SA HELICOPTER, TAO PALA IYON! IUUWI NIYA ITO AT TUTULUNGAN
92:01 · 35,752 plays
From the album ISTORYA NI AMIHAN
Description
ISTORYA NI AMIHAN LOVE STORY | FULL STORY: AKALA NG DALAGA AY BASURA ANG NAHULOG SA HELICOPTER, TAO PALA IYON! IUUWI NIYA ITO AT TUTULUNGANG MALUTAS ANG PROBLEMA NITO SA MGA SALARIN Written by: Maybel Abutar Narrated by: Sasa Edited by: Amihan Title: The Stranger I Saved is a Billionaire Exclusively written for Istorya Ni Amihan "Wow, jackpot! Ang dami at ang laki ng mga gabi rito. Hindi nasayang ang lakad ko ngayong araw." Nakangiting inilapag ni Cambria ang sukbit na bangkat—ang lalagyan ng mga kalakal na nakukuha niya sa bundok. Hinugot niya ang itak sa baywang at sinimulan ang pagbungkal sa mga gabing nakita niya. Ito ang pangunahing pagkain ng mga alaga niyang baboy. Papakuluan niya ang mga iyon hanggang lumambot saka ibabahog. Ilang saglit lang ay napuno na niya ang lalagyan. Muli niyang sinukbit ang bangkat para umuwi na pero natigilan siya sa malakas na tunog ng helicopter mula sa itaas. "Ang baba naman ng lipad ng helicopter. Kaunti na lang sasabit na sila sa punong kahoy," puna niya habang nakatingala. Binalewala niya iyon saka nagpatuloy sa paglalakad. Ngunit nagulat siya nang may bumagsak na bagay sa unahan niya. Muli siyang tumingala sa helicopter, pero lumilipad na iyon palayo. "Ano naman itong itinapon nila sa bundok? Ginagawa naman nilang basurahan ang pinagkukunan ko ng pagkain para sa mga alaga ko." Dismayadong nakatingin si Cambria sa malaking trapal na napapalibutan ng tali. Malapit nang lumubog ang araw at kung ibabaon niya ang basura, gagabihin siya pag-uwi. "Bahala na. Kabisado ko naman ang daan pauwi. Kaysa magpakalat-kalat ito rito at baka makaapekto pa sa mga halamang inaani ko." Ibinaba ni Cambria ang bangkat sa isang tabi at nagsimulang maghukay. Tinantiya niya ang haba at laki ng bagay na ibabaon sa hukay na gagawin niya. Itak lamang ang kanyang gamit, ngunit dahil malambot ang lupa mula sa pag-ulan kagabi, hindi siya nahirapan. Ilang saglit lang ay nakahukay na siya ng sapat para magkasya ang basura. Hinila niya iyon saka itinulak sa hukay, pero may narinig siyang ungol. V
You May Also Like
- 1
AlbumWorld War I for Kids: Everything You Need to Know - Amazing Facts, Heroic Acts, Major Battles, and How the War Changed the World
174 plays
- 2
AlbumINDIAN SEXY STORIES
5,403 plays
- 3
AlbumBack From The Dead2
AyeTeasy · 10,959 plays
- 4
AlbumNaka
Naka · 5,002 plays
- 5
AlbumMayhemic
CB Ghost · 4,271 plays
- 6
AlbumRage For Order (Remastered) [Expanded Edition] (Expanded Edition)
Queensrÿche · 2,600 plays
- 7
AlbumToo Far To Care (Expanded)
Old 97's · 3,150 plays
- 8
Albumearsey 07
earsey · 5,085 plays
- 9
AlbumTANZANITE
PENCO · 7,647 plays
- 10
AlbumBlueFace
BlueFace · 6,347 plays
- 11
AlbumMundo real
CHAYE · 7,455 plays
- 12
AlbumIn The House Of Stone And Light
Martin Page · 349 plays