SpotifyToMP3
AFTER 20 YEARS NAGBALIK ANG INA NG BINATA NA MAY KASAMANG MAGANDANG DALAGA. KINUPKOP NIYA ITO PERO

AFTER 20 YEARS NAGBALIK ANG INA NG BINATA NA MAY KASAMANG MAGANDANG DALAGA. KINUPKOP NIYA ITO PERO

93:56 · 27,555 plays

From the album FORTRESS AGENT SERIES by Maybel Abutar

Description

Amihan Stories Love Story | FULL STORY: AFTER 20 YEARS NAGBALIK ANG INA NG BINATA NA MAY KASAMANG MAGANDANG DALAGA. KINUPKOP NAMAN NIYA ANG BABAE PARA LANG GAWING KATULONG. NAGULAT SIYA, MAY MISYON PALA ITO KAYA TUMIRA SA KANYA. BALIKAN PA KAYA SIYA NG DALAGANG ASTIG PAGKATAPOS NG MISYON? | Pinoy Romance Audiobook | Tagalog Love | Love Story Tagalog | Pinoy story Story FORTRESS AGENT SERIES Complete Playlist link - https://www.youtube.com/playlist?list=PLGF4AjJVT1ld0dc0uAyEYgf7k_BUvVsjY Written by: Maybel Abutar Narrated by: Sasa Edited by: Amihan Title: Accidentally Falling for My Yaya's Son (Fortress Agent Series 17) Exclusively written for Amihan Stories Napilitang umuwi si Kieran para lang tigilan ni Jose. Iniwan niya ito sa labas ng bahay nang makarating doon. Pagpasok pa lang, nakita niya agad ang isang babaeng nakaupo sa lumang sofa sa sala na parang pag-aari nito ang buong lugar. Tuwid ang likod at naka-cross legs habang maingat nitong binubuklat ang magazine na hiningi pa niya sa ka-trabaho niya. Walang emosyong makikita sa mukha ng babae, pero ramdam dito ang presensyang hindi basta-basta. Matapang siyang lumapit at inagaw rito ang magazine saka iyon ibinalik sa dating lalagyan sa ilalim ng center table. Hindi pa niya nabubuksan lahat ng pahina niyon, inunahan pa siya nito. "Sino ka? Ano'ng ginagawa mo sa loob ng bahay ko?" Hindi alam ni Kieran kung dapat siyang matakot o humanga sa paraan ng paglingon ng babae sa kaniya. Marahan lang nitong ginalaw ang ulo, pero nasa mga mata nito ang awtoridad na dapat katakutan, at nasa mukha rin nito ang gandang dapat hangaan. "Tinatanong kita, miss. Sino ka, at ano'ng ginagawa mo sa bahay ko?" muli niyang tanong sa babae. "You're not in a position to interrogate me, mister." Kilabot ang naging hatid sa kaniya ng malamig at tila walang emosyong boses ng babae. Ngunit dahil may malakas din siyang personalidad, hindi siya nagpatinag dito. Imbes na umatras, umupo siya sa katapat nitong upuan nang hindi inaalis ang eye contact dito. "Walang paalam kang pumasok

You May Also Like