SpotifyToMP3
PAGKATAPOS NG KANILANG KASAL, NATUKLASAN NIYA ANG LIHIM NI MISIS. PAANO NA ANG KANYANG TUNGKULIN SA

PAGKATAPOS NG KANILANG KASAL, NATUKLASAN NIYA ANG LIHIM NI MISIS. PAANO NA ANG KANYANG TUNGKULIN SA

97:05 · 932 691 прослушиваний

Из альбома ISTORYA NI AMIHAN

Описание

ISTORYA NI AMIHAN LOVE STORY | FULL STORY: PAGKATAPOS NG KANILANG KASAL, NATUKLASAN NIYA ANG LIHIM NI MISIS. HINDI PALA ITO BASTA-BASTA AT NAPAKA-ASTIG SA LABANAN. PAANO NA ANG KANYANG TUNGKULIN SA BATAS? ANGELS Series Complete PLAYLIST link - https://www.youtube.com/playlist?list=PLmAopaeiPuS_he4FCqESfPBGdxt-r04Q0 Written by: Ad Sesa Narrated by: Sasa Edited by: Amihan Title: Ang Misis Kong Astig Exclusively written for Istorya Ni Amihan "'Nay..." naluluhang sambit ni Kisslyn. Mula sa loob ng kaniyang kotse na nakaparada sa kabilang kalsada ay tinatanaw niya ang ina. Nakukuntento lang siya sa pagtanaw muna dahil hindi pa niya alam kung paano makakalapit dito. Nagdidilig si Aling Celia sa mga halaman sa bakuran ng dati pa nilang bahay. Maya-maya, bahagyang nakusot ang magandang mukha ni Kisslyn nang may motor na dumating at pumasok sa loob ng bahay nila. Hindi na siya nagtataka dahil kilala na niya ang lalaki. Sa pamamagitan ng galing ni Sha sa pagha-hack ay nalaman ni Kisslyn kung ano ang background ng lalaki. Ito ay si Sohan Buendia, isang magaling na police detective. Sa sobrang galing nito ay ito kadalasang tumututok sa mga high-profile cases sa lugar nila. Hindi lang iyon, guwapo, at mabait ito na lalaki. Responsible din sa kaniyang tingin dahil sa kabila ng pagiging busy nito bilang detective ay may oras pa itong alagaan ang nanay niya. Kinupkop pala ito ng nanay niya noong labing pitong taong gulang pa lamang ito. Mula noon ay nagturingan na ang dalawa na mag-ina. At nagpapasalamat siya sa lalaki dahil sinamahan nito ang ina habang wala siya. May tila aspiling tumusok sa puso ni Kisslyn. Nagselos siya. Nainggit siya, lalo na nang makita niyang magkaakbay ang nanay niya at si Sohan na pumasok sa loob ng bahay nila. At dahil wala pa siyang magawa, binuhay na niya ang sasakyan. Ipinasya niyang umalis na muna. Pag-iiisipan muna niyang maigi kung paano makakasama ulit ang nanay niya. Gagawin niya ang lahat para makasama ito na hindi nalalantad ang kanilang pagiging mag-ina. "Babalik po ako, 'Nay," an

Вам также может понравиться