
MISIS, UMAASANG MAKIKITA PA ANG MISTER NA NAAKSIDENTE SA BARKO. BABALIK PA KAYA ITO?
73:21 · 349 прослушиваний
Из альбома Dear Amihan Stories
Описание
Tagalog Love Story | My Triplets’ Forgetful Daddy | MISIS, UMAASANG MAKIKITA PA ANG MISTER NA NAAKSIDENTE SA BARKO. BABALIK PA KAYA ITO? | Inspirational Love Story Kilig Love Story Tagalog Romance Written by: Eya Narrated by: Miss JeyEy Edited by: Andrea Gale “ATTENTION po sa mga pasaherong babiyahe pa-Cebu. Mangyaring pumunta na po sa gate 2. Malapit nang umalis ang barko,” anunsyo ng staff. Mariing napapikit si Rochelle nang hagkan ni Luis ang kanyang noo. “Umiiyak ka ba, mahal?” malambing na tanong ng asawa niya. “Hindi, ‘no! Napuwing lang. Medyo mahangin, e.” Natatawang niyakap siya ni Luis. “Huwag na ba akong tumuloy?” “Sira, naghirap ka nang ilang taon para makasampa tapos aatras ka ngayon? Maho-homesick lang ako sa ‘yo, mahal. Pero mas excited ako sa padala mo,” biro niya. Gayunman, basang-basa ng luha ang kanyang mukha. Inangat ni Luis ang baba niya saka marahang dumampi ang halik nito sa kanyang labi. “Babalik ako agad pagkatapos ng kontrata. Ang hirap kapag malayo sa ‘yo, mahal…” “Mommy! Mommy gising, may bad dreams ka po!” Agad siyang napamulat. Nakadungaw sa kanya ang tatlong mga bata. Natauhan siya. “Okay lang si mommy, mga anak…” pag-alo niya dahil tila takot ang mga ito. Pinunasan niya ang pisngi. May dala pang towel si Ella habang yakap naman ni Emma ang kanyang tiyan. “Kuha po ako ng water!” Tumakbo si Enrico sa kusina. Anim na taon na ang triplets. At anim na taon na rin mula noong marinig ni Rochelle ang pinakamasamang balita sa buong buhay niya. Naabutan ng bagyo ang ferry na sinakyan ni Luis. There were reports of missing bodies and deaths. Isa ang asawa sa hindi na natagpuan pa. Rochelle could never move on since then. Kaya naman kahit sa panaginip, dinadalaw pa rin siya ng huling alaala niya sa asawa. -- Thank you for choosing to listen to Dear Amihan Stories. It's always a pleasure to have you here. This story has been crafted exclusively for Dear Amihan Stories, and I hope you enjoy every bit of it. Please engage with the post by liking, sharing, and commenting.
Вам также может понравиться
- 1
АльбомSir Daniel
Sir Daniel · 8 119 прослушиваний
- 2
АльбомWHIPMUZIK
349 прослушиваний
- 3
АльбомFeel The City
8 396 прослушиваний
- 4
АльбомCaffellatte Radio
4 173 прослушиваний
- 5
АльбомSisters Cap Radio
1 090 прослушиваний
- 6
АльбомKulto Kultibo Radio
5 362 прослушиваний
- 7
АльбомDewa 19
113 534 прослушиваний
- 8
АльбомPrevail
Heyshawney · 523 прослушиваний
- 9
АльбомLost In My Feelings
Benji Floman · 7 054 прослушиваний
- 10
АльбомLa Camilla
La Camilla · 5 315 прослушиваний
- 11
АльбомWires & Wood
Howl Finn · 1 210 прослушиваний
- 12
АльбомJhulat Badi Saato Re Bahiniya
Meera Murti · 9 447 прослушиваний