SpotifyToMP3
MALING  LUGGAGE ANG NADAMPOT NG CEO. IKINAGULAT NIYA NA KAY EX-GF PALA IYON. MAY KAMBAL SILANG ANAK!

MALING LUGGAGE ANG NADAMPOT NG CEO. IKINAGULAT NIYA NA KAY EX-GF PALA IYON. MAY KAMBAL SILANG ANAK!

101:47 · 1 918 прослушиваний

Из альбома ISTORYA NI AMIHAN

Описание

Dahil abala sa katawagan, hindi napansin ni Wayne na maling maleta ang nadampot niya sa carousel sa NAIA. Pagdating sa bahay ay saka lamang nila iyon natuklasan ng kanyang aasistant. Gumawa siya ng paraan para makuha ang tunay niya maleta. subalit laking gulat niya na ang dating nobya pala ang nakapalitan niya ng luggage. Natuklasan din niya na may anak pala silang kambal. Saan kaya hahantong ang muli nilang pagkikita? ISTORYA NI AMIHAN LOVE STORY | Tagalog Love Story | TAGALOG STORY | love story tagalog Written by: Gael Aragon Narrated by: Sasa Edited by: Amihan Title: The Billionaire's Ex And His Twins Exclusively written for Istorya Ni Amihan Preview: SAMANTALA, si Rowena naman na tinawagan ng tauhan ng airline ay agad na naghanda. Hindi pa halos nag-iinit ang pang-upo niya nang madiskubreng ibang maleta ang dala niya. Nakahinga siya nang maluwag nang malamang ibabalik mismo ng kapalitan ang maleta niya. Dahil sa pagod ay hindi na rin niya napansin ang bag tag ng maleta, isa pa ay kahawig na kahawig iyon ng luggage niya kaya naman iyon ang dinampot niya. Kung hindi pa nga tumawag ang airline, hindi niya malalaman na iba pala ang nabitbit niya. "Saan daw kayo magkikita?" tanong ni Daphnee, ang bestfriend niya mula pa noong high school at kababayan na rin. Naroon ito sa bahay nila at inabangan talaga siya dahil excited itong makita ang mga dala niyang samples. Walking distance lang ang bahay nito sa kanila. May sarili silang online shop ng apparel. Naisipan nilang itayo iyon may tatlong taon na ang nakararaan. Si Daphnee ang investor dahil mayaman ito, habang siya naman sa managing at accounting dahil tapos siya ng business management. At sa loob ng dalawang araw ay nasa Davao siya dahil sa isang expo na ginanap doon. Siya ang pinapunta ng kaibigan dahil mas may alam siya sa operasyon ng negosyo. "Sa Amihan's Resort & Spa raw. Ang sabi noong kausap ko, naka-chopper daw ang kukuha ng maleta at doon lang sa resort may helipad na malapit dito sa 'tin. Alam mo na, high-end resort kasi. Nakipag-coordinate na r

Вам также может понравиться