SpotifyToMP3
MAG-INA, NAGPANGGAP NA PAMILYA NG CEO DAHIL NAAKSIDENTE ITO SA LOOB NG KANILANG BAHAY!

MAG-INA, NAGPANGGAP NA PAMILYA NG CEO DAHIL NAAKSIDENTE ITO SA LOOB NG KANILANG BAHAY!

64:08 · 174 прослушиваний

Из альбома Dear Amihan Stories

Описание

Tagalog Love Story | THE GENTLEMEN’S CLUB SERIES 3: THE CEO’S SWEETEST LIE | MAG-INA, NAGPANGGAP NA PAMILYA NG CEO DAHIL NAAKSIDENTE ITO SA LOOB NG KANILANG BAHAY! | Inspirational Love Story Kilig Love Story Tagalog Romance Written by: Jazmin Jayle Narrated by: Miss JeyEy Revised and rearranged by: Andrea Gale “Sino kang damuho ka?! At ano ang binabalak mo sa bahay namin?! Susunugin mo ba para maisakatuparan na ninyo kung ano man ang gusto niyong gawin dito?!” galit na sabi ng babae habang patuloy pa rin sa paghampas sa kanya. “Sandali! Sandali! Huminahon ka, Miss!” natatarantang sabi niya habang pilit na iniiwasan ang bawat paghampas nito. Hanggang sa mahuli niya ang isa nitong kamay at hindi iyon binitiwan hangga’t hindi ito kumakalma. “Bitiwan mo ako!! Bastos ka!!” “Huminahon ka nga muna at mag-usap tayo nang maayos!” “Sino ka ba kasi, at ano ang sadya mo rito?!” “Ako si Jerson Castro, CEO ng PBS TV network. Pumunta ako rito para makipag-usap sa ’yo nang maayos tungkol sa inirereklamo mong—” Habang nagpapakilala siya ay binitiwan na niya ito. Ngunit hindi pa man siya tapos magsalita ay sumagot na agad ito. “CEO ng PBS? Kung gano’n, ikaw ang gustong bumili nitong bahay at lupa namin! Ikaw ang nag-uutos na sirain ito at sunugin!” Pagkatapos ay hinampas na naman siya nito gamit ang walis-tingting. “Sandali lang! Wala akong inuutos na sirain o sunugin itong bahay ninyo! Kaya nga ako na mismo ang pumunta rito, para mapag-usapan natin kung ano man ang gusto mo. O kung may kondisyon ka man—” “Huwag niyo nang pag-interesan itong bahay at lupa na minana pa ng mga magulang ko sa mga ninuno nila! ’Yon lang ang gusto ko! Kaya tigilan niyo na ang pagpunta rito sa bahay!” Muli niyang hinuli ang kamay nito at hinawakan nang mahigpit. Saka siya nagsalita sa mariing boses. “Nabili na namin ang property na ito, Miss! Binayaran ko na at may pasobra pa nga. Kaya wala ka nang karapatang maghabol pa. Pero para maging maayos ang lahat ay pumunta ako rito. Gusto kong marinig ang side mo, at kung may idadagdag ka man sa d

Вам также может понравиться