
FULLSTORY BINATA, INAKALA NA LALAYUAN NA NG FIRST LOVE NA DALAGA DAHIL NAPUTULAN SIYA NG ISANG BINTI
78:04 · 71 678 прослушиваний
Из альбома FORTRESS AGENT SERIES by Maybel Abutar
Описание
Tagalog story | Magandang kwento | FULL STORY BINATA, INAKALA NA LALAYUAN NA NG FIRST LOVE NA DALAGA DAHIL NAPUTULAN SIYA NG ISANG BINTI | Love Story Tagalog | Pinoy story | tagalog love story full episode | Kilig stories Complete FORTRESS AGENT SERIES Playlist link - https://www.youtube.com/playlist?list=PLGF4AjJVT1ld0dc0uAyEYgf7k_BUvVsjY Written by: Maybel Abutar Narrated by: Sasa Edited by: Amihan Title: Protecting His First Love Exclusively written for Amihan Stories "H-Hindi ako 'yan. Bakit niyo ba sinisira ang pagkatao ko? Ano ba'ng kasalanan ko sa inyo?" mahina niyang sabi habang umiiyak. Nagkukulong na lang si Isabella sa silid niya at hindi na siya makalabas ng bahay. Bawat lugar na puntahan niya ay may fans si Akiko na nagagalit sa kaniya. May natatanggap na rin siyang death treat sa mga social media account niya. May nag-iwan pa ng patay na hayop sa pintuan ng apartment niya. May kalakip na sulat 'yon na ganoon daw ang mangyayari sa kaniya kapag nagsumbong siya sa mga pulis. "T-Tigilan niyo na ako, please!" sigaw niya. "Isabella, nariyan ka ba? Buksan mo ang pinto!" Hindi siya natinag sa pagkakaupo sa gilid ng kama kahit narinig niya ang boses ni Lenon sa labas ng silid niya. Nakabalot siya ng kumot habang umiiyak. Pakiramdam niya ay kumot lang ang kakampi niya ngayon. Maya-maya ay narinig niya ang pagbukas ng pinto kasunod ng pagliwanag sa silid niya. Narinig niya ang nagmamadaling paglapit ni Lenon sa kaniya. Mas lalo siyang napaiyak nang yakapin siya nito. Naalala niya si Miko dahil ito lagi ang nagtatanggol sa kaniya kapag inaapi siya. Kahit wala si Miko, naramdaman naman niya na may kakampi siya sa katauhan ni Lenon. "L-Lenon—" Hindi niya maituloy ang sasabihin sa dami ng salitang gustong lumabas sa bibig niya. Gusto niyang magsumbong, pero tanging pangalan nito ang nasambit niya. "Narito lang ako, Isabella. Hindi kita pababayaan," bulong nito sa kaniya. Marahan nitong hinahaplos ang likod niya habang yakap siya. Wala siyang ideya kung gaano siya katagal umiiyak sa dibdib ni Lenon. Naram
Вам также может понравиться
- 1
АльбомLemmy Radio
11 409 прослушиваний
- 2
АльбомMel. Crozby
Mel. Crozby · 8 238 прослушиваний
- 3
АльбомFor my mother's life: Stroke what to do?
5 700 прослушиваний
- 4
АльбомNatcha Music
Natcha Music · 7 805 прослушиваний
- 5
АльбомRushana Radio
4 912 прослушиваний
- 6
Альбом555Cantigaz
Pilger · 10 259 прослушиваний
- 7
АльбомCrash
Young Bird · 9 346 прослушиваний
- 8
АльбомSanta's Mailbox
Flávio Arruda · 11 689 прослушиваний
- 9
АльбомDavid Tames
David Tames · 6 597 прослушиваний
- 10
АльбомLUCKYSTAR TRILOGY
BMS RECORDS · 6 914 прослушиваний
- 11
АльбомBraincast
B9... · 6 836 прослушиваний
- 12
АльбомTrending Premium Songs
2 291 прослушиваний