SpotifyToMP3
BINATA, TINANGGIHAN NG NOBYA ANG ALOK NA KASAL DAHIL MANAGER LANG SIYA. IBINATO ANG SINGSING, TUMAMA

BINATA, TINANGGIHAN NG NOBYA ANG ALOK NA KASAL DAHIL MANAGER LANG SIYA. IBINATO ANG SINGSING, TUMAMA

91:31 · 6 627 прослушиваний

Из альбома ISTORYA NI AMIHAN

Описание

ISTORYA NI AMIHAN LOVE STORY | FULL STORY: BINATA, TINANGGIHAN NG NOBYA ANG ALOK NA KASAL DAHIL MANAGER LANG SIYA. IBINATO ANG SINGSING, TUMAMA SA DALAGANG PALABOY. KUKUPKUPIN NIYA ITO AT PAG-AARALIN. GULAT SI EX, SIYA PALA ANG MAY-ARI NG KOMPANYA! This story is based on an original concept by Jizuu Win, but has been extensively rewritten and is the exclusive work of the current writer. Only the character names from the original have been retained. Rewritten by: Gael Aragon Narrated by: Sasa Edited by: Amihan Title: Billionaire Meets an Innocent Probinsyana Exclusively written for Istorya Ni Amihan Mariing napatikom ang mga kamao ni Francis habang hawak-hawak ang kahon ng engagement ring na binili niya. Maraming tao sa loob ng restaurant na iyon dahil lunch time at alam niyang narinig ng mga ito ang sinabi ni Sam. Kaya damang-dama niya ang halo-halong reaksyon ng mga ito habang nakatitig sa kanila. May ilang nangungutya, may ilan ding naaawa sa kanya. Nagpupuyos sa galit na lumabas siya ng restaurant at tinungo ang parking lot. Pagsakay niya sa kanyang kotse, malakas niyang hinampas ang manibela. "Hindi ko alam na ganiyan pala ang ugali mo, Sam. Mabuti na lang at nagising ako," galit niyang wika bago padaskol na ibinulsa ang kahon ng singsing, saka mabilis na pinasibad ang kaniyang sasakyan. Walang direksyong nagmaneho si Francis hanggang sa makita niya ang isang maliit na park na walang gasinong tao. Inihinto niya ang sasakyan sa gilid niyon at bumaba. Saglit siyang nagmasid bago naglakad patungo sa isang bench at naupo roon. Huminga siya nang malalim at dinukot ang engagement ring sa bulsa ng pantalon. Matagal iyong tinitigan ni Francis pagkuwa'y inis na inihagis sa kung saan kasama ang kahon. "Aray!" anang tinig ng isang babae sa di-kalayuan kung saan niya inihagis ang singsing. Napaigtad siya sa kinauupuan at hinanap ng mga mata ang pinagmulan ng boses. Nanliit pa ang mga mata niya habang inaaninag ang taong naroon na biglang lumingon sa kaniya. Agad na nagbawi ng tingin si Francis at dinukot ang c

Вам также может понравиться