SpotifyToMP3
SENYORITA, NIRERETO LAGI NG KAANAK SA MGA LALAKI. KAYA PUMAYAG SI DOC NA SILA NA LANG ANG MAGPAKASAL

SENYORITA, NIRERETO LAGI NG KAANAK SA MGA LALAKI. KAYA PUMAYAG SI DOC NA SILA NA LANG ANG MAGPAKASAL

93:06 · 8.567 diputar

Dari album STORIES BY PULANG TINTA

Deskripsi

Amihan Stories Love Story | FULL STORY: SENYORITA, NIRERETO LAGI NG KAANAK SA MGA LALAKI. KAYA PUMAYAG SI DOC NA SILA NA LANG ANG MAGPAKASAL. PAPATUNAYAN NIYA SA LAHAT NA HINDI YAMAN NG BABAE ANG HABOL NIYA | Pinoy Romance Audiobook | Tagalog Love Story | Love Story Tagalog | Pinoy story Written by: Pulang Tinta Narrated by: Sasa Edited by: Amihan Title: I Married My Señorita Exclusively written for Amihan Stories Ang lungkot ay nangingibabaw lamang kung itatakwil ng tao ang maging masaya. Ito ang laging sinasabi noon ng kaniyang ina. Kung may bagay siyang hindi nakukuha, bumaling siya sa iba na kaya niyang abutin. Huwag niyang hayaan ang mga paa na mapako sa isang daan na hindi maghahatid sa kaniya sa tunay niyang patutunguhan. Lumihis. Humanap ng ibang pintuan at huwag ipilit ang sarili sa saradong bintana at lagusan. Ganito ang naging buhay ni Hany Rose. Sa kabila ng kapansanan niya, natuto siyang tingnan ang buhay sa positibong pananaw. Maraming kulang sa kaniya pero hindi naging rason ang mga kawalan na iyon para hindi ngumiti tuwing ginigising siya ng awit ng ibon sa umaga at binabati ng makinang na silahis ng araw. Nag-iisang tagapagmana siya ng Hacienda Demiñho na matatagpuan sa Barangay Pasay. Halos buong barangay at ilang karatig barangay ay nasasakupan ng asyenda nila. Pero sa edad na kinse ay naulila na siya sa magulang. Wala siyang ama na kinalakihan at tanging mommy niya ang gumagabay sa kaniya pero iniwan na rin siya. Ito ang nagturo sa kaniya na ang mismong kapaligirang pinagmamasdan niya ay kaligayahang maituturing. Kaya huwag daw niyang hanapin sa iba ang ngiti na kaya naman niyang ibigay sa sarili. "Alma, pakilagay na nito sa vase. Ingatan mo ang mga bulaklak ha?" malamyos ang tono na utos niya sa kasambahay na nakaantabay pa rin sa kaniya roon sa sala. "Opo, Señorita." Kinuha ni Alma ang bulaklak. Tumagos ang tanaw niya sa salaming dingding patungo sa grand pavilion. Pababa na ang dilim. May halong bigat ng ulap ang kahel na langit at mistulang apoy ang kanluran. Maya-maya'y lumapit na

Mungkin Kamu Suka