
NURSE SA CANADA, KUKUNING PRIVATE NURSE NG BILYONARYONG PASYENTE NA 5 YEARS NA-COMA. GUSTO PALA SIYA
72:39 · 1.742.082 diputar
Dari album AMIHAN STORIES
Deskripsi
Amihan Stories Love Story | FULL EPISODE: NURSE SA CANADA, KUKUNING PRIVATE NURSE NG BILYONARYONG PASYENTE NA 5 YEARS NA-COMA. GUSTO PALA SIYA NITO. YAYAIN SIYA NITO PAUWI NG PILIPINAS. MAY SURPRESA SA KANYA ANG BINATA | Pinoy Romance Audiobook | Tagalog Love Story | Love Story Tagalog | Pinoy story Written by: Gael Aragon Narrated by: Sasa Edited by: Amihan Title: Miss Nurse & the Sleeping Billionaire Exclusively written for Amihan Stories "At least, madaldal ako." Humagikhik si Maureen. "Iyon naman talaga ang gusto nila, hindi ba, Mr. Reed? Ang sabi nila, palagi ka raw kausapin para updated ka pa rin sa mga nangyayari sa paligid mo. Nga lang, nabubulol kasi ako kapag nag-e-English, eh, kaya pagtiyagaan mo na ang pagta-Tagalog ko ha." Lumunok muna siya bago muling nagpatuloy, "Hindi ko rin alam kung bakit gustong-gusto nila akong i-assign sa 'yo. Siguro dahil hindi naman ako mareklamo. Alam mo na, ganoon talaga ang mga Pinoy— matiisin sa trabaho. And we also do care a lot. Ano sa tingin mo, Mr. Reed?" Sandaling napatitig si Maureen sa mukha ng lalaki. Ang totoo, gwapo ito. Mala-Mt. Mayon ang ilong nito, mahahaba ang malalantik na pilikmata, makakapal ang mga kilay, at pangahan ang makinis na mukha. Matangkad din ito at malaki ang pangangatawan— na kahit ilang taon nang nakahiga ay hindi pa rin gaanong nagbabago ang hulma. Huminga nang malalim si Maureen bago ibinalik ang towel sa planggana at inumpisahang alisin ang suot nitong patient's gown. "Alam mo, sayang na sayang ka talaga. Kung magigising ka lang, aasawahin kita. Tingin ko kasi wala kang asawa, eh. Wala namang dumadalaw sa 'yo rito kundi si Mr. Thomas. At kung magiging asawa kita, titiyakin ko sa 'yong aalagaan at mamahalin kita nang husto. Ang problema nga lang, hindi pa ako available sa ngayon. Kailangan ko pang magtrabaho kasi may dalawa pa akong kapatid na pinag-aaral sa Pilipinas." Ngumiti si Maureen at ipinagpatuloy ang pagtatanggal ng hospital gown ni Mr. Reed. "Anyway . . . malapit na pala ang birthday mo, ano? Next month, you're turning
Mungkin Kamu Suka
- 1
AlbumOH BUT YOU WILL
8T · 10.097 diputar
- 2
AlbumI tried my best
Jordowick · 7.596 diputar
- 3
AlbumDub Fritterz
Born Allah · 7.455 diputar
- 4
AlbumICE
No Author · 174 diputar
- 5
AlbumEu Volto pra Você
Juliano Lemos · 6.277 diputar
- 6
AlbumVexing the Dull
Fallback · 8.668 diputar
- 7
Albummartiann
martiann · 4.033 diputar
- 8
AlbumBONGBOM
BONGBOM · 1.810 diputar
- 9
AlbumBobby Jay Radio
Johnny Crawford · 9.279 diputar
- 10
AlbumRIQQY STAIN
RIQQY STAIN · 5.422 diputar
- 11
AlbumLaw Review News!
LegalEagle · 8.304 diputar
- 12
AlbumGery
Gery · 1.500 diputar