
FULL STORY PRINSESA, PINATALSIK AT TINAPON SA PINAS, POPROTEKTAHAN AT GAGAWING REYNA NG BUHAY NI DOC
78:43 · 59.645 diputar
Dari album FORTRESS AGENT SERIES by Maybel Abutar
Deskripsi
KWENTONG PAGMAMAHALAN | Kwentong Pinoy | FULL STORY UNCUT | PRINSESA, PINATALSIK AT TINAPON SA PINAS, POPROTEKTAHAN AT GAGAWING REYNA NG BUHAY NI DOC | Love Story Tagalog | Pinoy story | TAGALOG STORY | KDRAM TAGALOG LOVE STORY VERSION Complete FORTRESS AGENT SERIES Playlist link - https://www.youtube.com/playlist?list=PLGF4AjJVT1ld0dc0uAyEYgf7k_BUvVsjY Written by: Maybel Abutar Narrated by: Sasa Edited by: Amihan Title: Protector Turned Exiled Princess Husband Exclusively written for Amihan Stories Ilang araw nang malalim ang iniisip ni Xia simula nang tumira siya sa bahay ni Prince. Iniisip niya kung ano ba talaga ang plano ng lalaki dahil wala naman itong ginagawa para patayin siya. Nagtataka siya dahil kumikilos ito ayon sa trabaho nito bilang protector niya o may binabalak na pailalim. "Ang sakit naman sa ulo!" malakas niyang sabi, nasa opisina siya ng Fortress. Nagmamadali naman lumapit si Arm at Leg sa kaniya. "Lady Xia, kailangan mo ba ng gamot sa sakit ng ulo? Hihingi ako kay Nurse Daphne," agap ni Leg. "May gamot pa rito, Lady Xia. Pinadala ito ni Doctor Prince, pero ang sabi niya para daw ito sa likod mo. Hihingi na lang ako ng gamot sa kaniya para sa sakit ng ulo," segunda naman ni Arm. Napangiti siya sa pinapakitang pag-aalala ng kambal niyang assistant. Mukhang mga gangster lang ang mga ito dahil sa laki ng katawan, pero maalaga at maalalahanin ang dalawa. Maswerte siya sa dalawang ito, pero mabilis dumistansya ang mga ito sa kaniya. "Nakakatakot ang ngiti niya, Kambal, parang sasaktan niya tayo," bulong ni Leg sa kapatid. "Huwag kang matakot, Kambal. Mabait si Lady Xia, nakakatakot lang." "Ano'ng pagkakaiba no'n, Kambal?" "Wala, Kambal. Nakakatakot talaga siya kahit nakangiti," sagot muli ni Arm. Tumaas ang isang kilay ni Xia dahil sa lakas ng bulungan ng magkapatid. Tumayo na lang siya at lumabas ng opisina. Iniwan niya ang dalawa roon na nagtataka dahil hindi niya pinansin ang mga ito. Karaniwan ay nauuwi sila sa sparring kapag naririnig niya ang bulungan ng Kambal. Binaybay na lang
Mungkin Kamu Suka
- 1
AlbumThe Awakened Vampire
7.004 diputar
- 2
AlbumThe Howl of the Rejected Luna
3.070 diputar
- 3
AlbumRoberta Bella
Roberta Bella · 7.253 diputar
- 4
AlbumDzīvais
Bēdu Brāļi · 9.726 diputar
- 5
Albumsearch party
search party · 7.494 diputar
- 6
AlbumPostapocalyptic Fall
Oleg Sadr · 174 diputar
- 7
AlbumInto The Deep
The Edges · 6.292 diputar
- 8
AlbumThe Prince Of Persia
Vasco C · 6.103 diputar
- 9
AlbumLife
Dan Traxmander · 7.345 diputar
- 10
AlbumRIG
Draugr · 7.917 diputar
- 11
AlbumA Night in Paris
Babyboi ALX · 8.434 diputar
- 12
AlbumRise and Run
Rise and Run · 8.236 diputar