
DI MAKADAMA NG SAKIT ANG BILYONARYO! SA ISANG SAMPAL NG BABAE SA YATE, NAGISING ANG KANYANG DAMDAMIN
87:40 · 2.790 diputar
Dari album ISTORYA NI AMIHAN
Deskripsi
ISTORYA NI AMIHAN LOVE STORY | HINDI NAG-ATUBILI SI SILVIA NA ILIGTAS ANG LALAKING NAKILALA SA YATE, AKALA NIYA AY PINAGTUTULUNGAN ITO. MAY LIHIM PALA ITONG SAKIT AT ITO RIN ANG MAGIGING BOSS NIYA. SIYA PALA ANG LUNAS SA KARAMDAMAN NITO | TAGALOG STORY | love story tagalog Written by: Maybel Abutar Narrated by: Sasa Edited by: Amihan Title: The Untamed Billionaire Boss Exclusively written for Istorya Ni Amihan "Talaga, Louisa? Isasama mo na ako sa Isla Caballero?" "Oo, Silvia. Kailangan ng dagdag na tauhan sa laundry section ng pribadong resort sa isla. Ikaw ang naisip kong isama dahil gustong-gusto mong makarating kung saan ako nagtatrabaho, at para magkasama na rin tayo." Halos magningning ang mga mata ni Silvia sa sinabi ng kaibigan niya. Nang malaman niyang umuwi ito kahapon, kaagad niya itong pinuntahan. Umaga pa lang ay naroon na siya, pero may pinuntahan daw ito at hapon na umuwi. Nakikain pa siya sa mga ito para lang hintayin ito. "Maraming salamat, Louisa. Kailan ka babalik sa isla?" "Bukas na bukas din. Tatlong araw lang kasi ang bakasyon ko. Ihanda mo na ang mga gamit mo at maaga tayong aalis. Kailangan nating maabutan ang biyahe ng yate pabalik ng isla." Hindi na napigilan ni Silvia ang pagkamangha. "Yate ang sasakyan natin?" Napahawak siya sa dibdib at tila hindi makapaniwala. Sa buong buhay niya, bangka pa lamang ang kanyang nasasakyan. Bigla niyang naalala ang isang malaking puting sasakyang pangdagat na nakikita lang niya sa telebisyon, at posibleng masakyan na rin niya ngayon. "Talaga bang sasakay tayo roon?" mahina ngunit nanginginig sa pananabik ang boses niya. "Oo. Iyon lamang ang tanging sasakyan papunta sa isla. Para iyon sa mga tauhan at bisita ng pamilya Caballero at ang maganda, libre iyon. Kapag hindi mo ako kasama, hindi ka makakasakay sa yate," nakangiting sagot ni Louisa. Hindi mapigilan ni Silvia ang mapangiti nang malaki. Halata ang paghanga niya sa kanyang kaibigan at sa nararanasan nitong karangyaan ngayon. "Napakaswerte mo naman, Louisa. Ang sosyal ng buhay mo sa is
Mungkin Kamu Suka
- 1
AlbumAbdul D One
Abdul D One · 1.918 diputar
- 2
AlbumNino Yayo
Nino Yayo · 174 diputar
- 3
AlbumBhagavad Gita Hindi
Yatharth Geeta... · 8.396 diputar
- 4
AlbumDuman Radio
Hayko Cepkin · 5.762 diputar
- 5
AlbumRock the Planet
Rock the Planet · 5.302 diputar
- 6
AlbumLyrical Massacre
Lyrical Massacre · 4.334 diputar
- 7
AlbumHusky Vibez
Husky Vibez · 7.127 diputar
- 8
AlbumMecsa Sosa
Mecsa Sosa · 6.945 diputar
- 9
AlbumRock Spectacle (Enhanced Edition)
Barenaked Ladies · 5.311 diputar
- 10
AlbumMigratory Paths
rhubiqs · 5.325 diputar
- 11
AlbumSubnivium
Myntra · 11.959 diputar
- 12
AlbumRavi·e·s
Jagas · 4.532 diputar