
BINATA, PINAGBIGYAN LANG ANG ABUELA PERO MAS MAHUHULOG PA PALA SA DALAGANG CARD READER
67:22 · 349 diputar
Dari album JHAM TALES
Deskripsi
Story written by: Aein Story voice: Jey-ey Arrangements: Admin Luna Margaret Story preview: Si Sonya, isang dalagang lumaki sa puder ng kaniyang lolang manghuhula. Hindi niya alam kung namana niya ba ang skill nito sa panghuhula, basta nagising na lang sya na ayaw na niyang maghanap ng trabaho dahil marunong na rin syang magbasa ng baraha. "At nakakatuwa lang na maraming tumatangkilik sa shop namin," tila nangangarap na ani Sonya sa sarili habang nagpupunas siya ng kagamitan sa shop nila ng kaniyang lola. Naputol ang pagmumuni-muni nya nang pumasok ang unang customer para sa araw na yon. “Ang unang baraha ay ang “The Hierophant”. Ang card na ito ay sumisimbolo sa tradisyon, pamilya, at pagsunod sa nakasanayang paniniwala. May nakikita akong isang matanda na malakas ang impluwensya sa buhay mo ngayon. Ipinapakita nito na may desisyong ginagawa hindi lang para sa iyo, kundi para sa dangal, pangalan, at kagustuhan ng pamilya mo. At hindi ito basta-basta matatakasan.” “You’re bluffing,” mariing wika ng lalaki. Patuloy na nagsalita si Sonya, “Ang pangalawang baraha ay ang “The Wheel of Fortune’—isang biglaang pag-ikot ng kapalaran. Isang mabilis na pangyayari sa buhay mo ay itinutulak ng tadhana para sa iyo. Sa kombinasyon ng unang card, pinipilit kang magpakasal ng lola mo, at sa nakikita ko ay ikakasal ka sa susunod na linggo. Isang seremonyang tila minadali—wala kang sapat na oras para mag-isip o tumutol.” “That’s impossible! Paano ako ikakasal kung wala naman akong girlfriend? Pinagloloko mo ba ako babae—” Matalim na tiningnan ni Sonya ang lalaki, “Ang pangatlong baraha, “The Two of Cups (Reversed)’.” Sa ngayon, may pagtutol ang puso mo. Ang taong makakatali sa iyo ay isang babaeng hindi mo kilala—at hindi mo rin siya gusto. Sa nakikita ko, iritado ka sa tuwing nakikita mo siya. At magkakaroon kayo ng hindi pagkakaunawaan. Ngunit ang reversal na ito ay hindi nangangahulugang mali ang koneksyon—mag-uumpisa kayo sa magulong usapan, pero nakikita ko na darating ang araw na mauunawaan niyo ang isa’t i
Mungkin Kamu Suka
- 1
AlbumKevin McCall
7.623 diputar
- 2
AlbumKing Paluta
12.906 diputar
- 3
AlbumThe Ruin of Elizabeth Bennet: A Pride and Prejudice Variation
4.951 diputar
- 4
AlbumVox Hesterna
Vox Hesterna · 9.036 diputar
- 5
AlbumAback
5.262 diputar
- 6
AlbumSavant
Savant · 9.988 diputar
- 7
AlbumJo-King
Jo-King · 7.748 diputar
- 8
AlbumHiME
HiME · 5.646 diputar
- 9
AlbumStephane Vlachos
4.094 diputar
- 10
AlbumAFNDezzy
11.268 diputar
- 11
AlbumLights of Blue
7.535 diputar
- 12
AlbumBoy Wonder Radio
8.288 diputar