
ANAK NG BYUDO, INIRERETO ANG AMA SA ISANG SUKING GUEST NG KANILANG RESORT PERO HINDI PALA PUWEDE...
74:51 · 349 diputar
Dari album Mi Amor Tales
Deskripsi
FULL STORY: MY MATCHMAKER DAUGHTER | ANAK NG BYUDO, INIRERETO ANG AMA SA ISANG SUKING GUEST NG KANILANG RESORT PERO HINDI PALA PUWEDE... | Kilig Love Stories Tagalog Audiobook Inspirational Stories Written by: Alexa Rey Narrated by: Danica Revised and rearranged by: Andrea Gale “Nadia Torres?” tanong sa kanya ng babae sa front desk. Tumango siya at pinanood itong i-check ang reservation niya. “Here’s your key, Ma’am. Room 105.” Sinenyasan nito ang isang staff na lumapit. “This way, Ma’am.” Inabutan muna siya nito ng cart bago ihatid sa loob ng resort. Lilinga-linga siya sa paligid habang tinutulak ang cart. “Ouch!” Napatigil siya sa paglalakad nang marinig ang sigaw na iyon, binitiwan niya ang hawak na cart at sinilip ang batang babae. “Ms. Lorraine? Naku! Halika, aalayan kita. Ano bang nangyari? Bakit ka tumatakbo?” nag-aalalang tanong ng staff sa batang babae. “Tinataguan ko po kasi si Daddy,” mahinang sagot nito. Tumayo ito mula sa pagkakadapa at tumingin sa kanya, nang makita nito ang mga nalaglag na gamit niya ay mabilis na dinampot nito iyon. “Sorry po,” nahihiya nitong sabi. “Lorraine?” Napalingon silang tatlo sa dumating na lalaki, nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa kamay ng bata na ibinabalik sa cart ang mga gamit na nasa sahig. “Daddy…” Hindi makatingin ang bata sa ama, napapakamot na lang ito sa ulo. “What happened?” tanong ng ama ng bata sa staff. “Ang sabi po ni Lorraine, tinataguan ka raw po niya. Hindi po sinasadyang natamaan niya ang cart ni Ma’am,” anang staff. -- ******************* DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to actual persons, events, or locations is purely coincidental. The audiobook version—including its script, narration, and visual presentation—is an exclusive production of Mi Amor Tales. This content is protected under copyright laws. Unauthorized copying, re-uploading, or reuse is prohibited without prior written permission. **This story is human-created. The visuals are digitally generated with creative human direction and are
Mungkin Kamu Suka
- 1
AlbumEKP
EKP · 6.966 diputar
- 2
AlbumSuka
Suka · 10.988 diputar
- 3
AlbumDeejay FDB - PODCAST
1.918 diputar
- 4
AlbumMesaOfficial
MesaOfficial · 4.943 diputar
- 5
AlbumINVASION Radio
8.759 diputar
- 6
AlbumTrantüte
10.517 diputar
- 7
AlbumDeNovia & Leslie Almendra
DeNovia & Leslie Almendra · 2.160 diputar
- 8
AlbumCelestial Bloom
Thessa Reine · 8.758 diputar
- 9
Album#ruplugg
Lifeboy · 3.310 diputar
- 10
AlbumTHE LOST FUTURE
Tobe · 7.615 diputar
- 11
AlbumIconic
Mr.StripesOfDynasty · 9.028 diputar
- 12
AlbumMister C.
Mister C. · 6.151 diputar