SpotifyToMP3
BABAE, NAWINDANG NANG MALAMAN NA ANG PILOTONG KAAWAY NIYA ANG PAKAKASALAN NIYA. MAUUWI SA ANNULMENT

BABAE, NAWINDANG NANG MALAMAN NA ANG PILOTONG KAAWAY NIYA ANG PAKAKASALAN NIYA. MAUUWI SA ANNULMENT

76:14 · 13,56,134 प्ले

एल्बम से AMIHAN STORIES

विवरण

Amihan Stories Love Story | FULL EPISODE: BABAE, NAWINDANG NANG MALAMAN NA ANG PILOTONG KAAWAY NIYA ANG PAKAKASALAN NIYA. MAUUWI SANA SA ANNULMENT NGUNIT NALAMAN NILA ANG RASON KUNG BAKIT NILA PINAKASALAN ANG ISA'T-ISA | Pinoy Romance Audiobook | Tagalog Love Story | Love Story Tagalog | Pinoy story Written by: Rhod Selda Narrated by: Sasa Edited by: Amihan Title: My Enemy Became My Husband Exclusively written for Amihan Stories EXCITED na dumating si Micaela sa family house ng kan'yang fiance para sa dinner. "Nasaan po si Tito Leonares, Ate?" tanong niya sa kawaksi na sumalubong sa kan'ya sa lobby ng dalawang palapag na bahay. "Nasa study room po si Sir. Ihatid ko na po kayo roon," turan ng babae. Sumunod naman siya rito. At pagdating ng study room ay argumento ang bumungad sa kan'ya. Huminto siya sa bukana ng pintuan at napatitig sa lalaking kausap ni Leonares. "I-Isaac?" pabulong niyang sambit nang mapagtanto na ang lalaki ay si Isaac Monteverde, ang kan'yang rival sa honor noong high school at madalas kaaway. Aware siya na anak ito ni Leonares pero hindi niya ini-expect na ito ang kan'yang pakakasalan. May kuya kasi ito na magaling sa business. "Bakit hindi si Kuya ang ipakasal n'yo, Dad? Sabi n'yo nga ay magaling siya sa business," nanggagalaiting sabi ni Isaac sa ama. "This is the only way for you to impress me, Isaac. Ngayon mo patunayan na may ambag ka sa pamilyang ito! Simula bata ka, puro problema ang dala mo sa pamilya! You can't pursue your international pilot career if you disobey me again!" napapatayong palatak ni Leonares. Natitigilang nasipat ni Isaac si Micaela. Bahagyang kumalma ang temper nito. "I'll think about it," anito, pagkuwan ay nagmamadaling lumabas sa backdoor na patungong swimming pool. Saka lamang tuluyang lumapit si Micaela kay Leonares. "Magandang gabi po, Tito! Pasensiya na sa abala," mahinahong bati niya. "I'm sorry, hija. Hindi mo dapat nasaksihan ang argumento namin ng anak ko," ani Leonares, muling umupo sa couch. "Si Isaac po ba ang fiance ko, Tito?" ____________

आपको ये भी पसंद आ सकते हैं