SpotifyToMP3
ATTORNEY, NAKASAMA SA LUMUBOG NA BARKO. NAPADPAD SA ISLA KASAMA ANG DALAGA NA NAPAGKAMALAN PA SIYANG

ATTORNEY, NAKASAMA SA LUMUBOG NA BARKO. NAPADPAD SA ISLA KASAMA ANG DALAGA NA NAPAGKAMALAN PA SIYANG

91:38 · 20,07,867 प्ले

एल्बम से AMIHAN STORIES

विवरण

Amihan Stories Love Story | FULL STORY: ATTORNEY, NAKASAMA SA LUMUBOG NA BARKO. NAPADPAD SA ISLA KASAMA ANG DALAGA NA NAPAGKAMALAN PA SIYANG MANYAK. KAPATID PALA ITO NG KARIBAL NIYA NOON. MA-RESCUE PA KAYA SILANG SA ISLA? Love Story Tagalog | Pinoy story Written by: Smiling Ace Narrated by: Sasa Edited by: Amihan Title: Stranded With The Attorney Exclusively written for Amihan Stories "Nasaan kaya ako?" aniya matapos manalangin. "Hindi pwedeng tumunganga lang ako rito at maupo. Kung dinala ako ng mga alon dito, malaki rin ang posibilidad na may iba pang nakaligtas at tinangay rin ng alon dito. Susubukan kong maghanap ng iba pang nakaligtas at maghanap na rin ng mahihingian ng tulong." Kahit mataas na ang araw at mainit na sa balat ay napagpasyahan na ni Edward na maglakad-lakad sa tabing-dagat. Naalala niya ang cellphone sa bulsa ng pantalon, dinukot niya iyon, subalit nanlumo siya, wala na iyong buhay dahil siguro matagal nababad sa dagat. "Hello! May nakakarinig ba sa akin?! May kasama ba akong nakaligtas din dito?!" malakas niyang sigaw habang lumilinga-linga sa paligid. Hanggang sa di kalayuan ay bulto ng isang babaeng nakasuot din ng life jacket ang natanaw niya na nakadapa sa dalampasigan. Mabilis siyang tinakbo at maingat na itinihaya ang babae nang malapitan niya ito. Agad niyang pinakiramdaman ang pulso nito. "May pulso pa siya. Buhay pa siya," wika niya at nakahinga ng maluwag kahit papaano. "Pinay kaya siya o Singaporian? Baka Pinay naman ito, karamihan sa nakasama ko sa barko mga Pilipino eh." Sandali niya itong sinuri. "Miss? Miss, gising." Tinapik-tapik niya ang pisngi nito at mahinang inalog ang katawan nito para gisingin ngunit bigo siya. "Baka naka-inom ng tubig dagat ang isang ito at kailangan ng CPR," hula niya. Ngunit nagdadalawang-isip siya nang tingnan ang medyo maputla na nitong mga labi. Sandali siyang pumikit at huminga ng malalim bago umiling-iling. "Emergency naman ito at paano kung kailangan niya talaga ng CPR? Hay! Bahala na. Pasensya na, Miss sa gagawin ko." Pinisil niya a

आपको ये भी पसंद आ सकते हैं