
PINATAPON NG AMA SA MINDORO ANG CEO, NANUNO SA PUNSO. BABAENG NAKAALITAN SA BARKO PALA ANG GAGAMOT
92:01 · 690 275 écoutes
De l'album AMIHAN STORIES
Description
Amihan Stories Love Story | FULL STORY: PINATAPON NG AMA SA MINDORO ANG CEO, NANUNO SA PUNSO. BABAENG NAKAALITAN SA BARKO PALA ANG GAGAMOT SA KANYANG LUMAKING BETLOG. IYON NA KAYA ANG SIMULA NG KANILANG PAG-IIBIGAN? Pinoy story LIZARES Series complete Playlist - https://www.youtube.com/playlist?list=PLGF4AjJVT1lenpNvQvIuVokw_4X-VbhMO Written by: Gael Aragon Narrated by: Sasa Edited by: Amihan Title: The CEO Falls for Miss Albularya (Lizares New Generation Series 1) Exclusively written for Amihan Stories "Kahit pa. Hindi ba kabilin-bilinan namin ng mommy niyo sa inyong tatlo na hindi sa lahat ng sandali, init ng ulo ang paiiralin. Palagi rin naming sinasabi na magpakahinahon kayo— pero iba ang ginagawa mo. Kaya ang mabuti pa, umuwi ka muna sa probinsya ng mommy mo. Doon ka na muna sa ating farm at nang mabawas-bawasan ang pagiging bugnutin mo," sumusukong tugon ng kaniyang ama. "But, dad! Ano namang gagawin ko sa Mindoro?" "Aba, marami! Tumulong ka sa mga pinsan mong magbungkal ng lupa roon, para naman may iba kang magawa bukod sa pamemerwisyo sa mga tauhan natin at sa akin." "No. Ayoko, Dad." "At sino ang may sabi sa 'yong puwede mo akong tanggihan nang ganiyan, ha? Baka nakakalimutan mo kung sino ang kausap mo, Draven Caleb." Natahimik siya. Alam niyang napupuno na rin ang kaniyang ama sa kaniya— na hindi naman niya gustong mangyari. At sa lahat ng ayaw ni Draven, iyon ay ang ma-disappoint ito at ang kaniyang ina. "If you're thinking about the LPM, huwag kang mag-alala. Ako na ang bahala diyan," sabi pa nito. "Wala na ho bang ibang paraan para hindi mangyari ito?" hirit pa ni Draven. "No. Dahil baka mamaya, iyong parating naman nating investor sa UK ang masapak mo. Pasalamat ka talaga hindi ka idinemanda ni Mr. Yakazuma." "Hah! At siya pa pala ang may ganang magsampa ng kaso, ha? Well, subukan lang niya at titiyakin kong mas mauuna siyang makulong kaysa sa 'kin." Malakas na tumaltak ang kaniyang ama sa kabilang linya. "Hay, naku! Maigi nga sigurong doon ka na muna sa Mindoro. Baka sakaling titino ka
Vous aimerez aussi
- 1
AlbumJamie Social
6 874 écoutes
- 2
AlbumThe Dragon Girl’s Code
6 423 écoutes
- 3
AlbumCountree Hype
Sgee Vehnom,Countree Hype · 174 écoutes
- 4
AlbumMariax
Mariax · 9 115 écoutes
- 5
AlbumThe Adam Mockler Show
Adam Mockler · 5 655 écoutes
- 6
AlbumJackie Foster Radio
Bryan Bautista · 5 182 écoutes
- 7
AlbumCommando - Shoot To Kill: Rhodesian Bush War Operator
5 404 écoutes
- 8
AlbumGiorgos Koros
Giorgos Koros · 3 904 écoutes
- 9
AlbumAndy Timmons Radio
Jimmy Oliveira · 9 676 écoutes
- 10
AlbumShadow Work Evolution: With Bonus Shadow Work AI Companion. Uncovering the Roots of Shadow Psychology Theory and the Rebirth of the Psyche. Jungian Psychology
174 écoutes
- 11
AlbumHaru Neteru Radio
5 058 écoutes
- 12
AlbumBasics of the Faith
93 304 écoutes