
NAPILITAN SIYANG MAGTUNGO SA AMERICA. AFTER 5 YEARS, NAGBALIK SIYA SA PILIPINAS NA MAY KASAMANG BATA
103:55 · 677 195 écoutes
De l'album AMIHAN STORIES
Description
Amihan Stories Love Story | FULL STORY: NAPILITAN SIYANG MAGTUNGO SA AMERICA DAHIL SA KASALANAN NG KANYANG AMA. AFTER 5 YEARS, NAGBALIK SIYA SA PILIPINAS NA MAY KASAMANG BATA. MULI SILANG MAGKIKITA NI EX. Pinoy story Written by: Zxoul Aehco Revised and rearranged by: Gael Narrated by: Sasa Edited by: Amihan Title: My Ex-Girlfriend Returned with Our Daughter Exclusively written for Amihan Stories Nanatili lang silang mag-ina sa kanilang bahay. Hinihintay niyang umuwi ang kaniyang ina, pero mukhang sinasadya nitong iwasan siya— na labis namang ikinalulungkot ni Lianne. Hindi kasi iyon ang inaasahan niya. Pagsapit ng hapon ay maaga ngang nakauwi si Lester mula sa trabaho. "Si mama, ate?" tanong agad nito. "Hindi pa umuuwi, eh." "Ah . . . ganoon ba? Baka napahaba ang tsikahan sa mga kaibigan." Napabuntonghininga si Lianne. "Huwag mo nang pagtakpan si mama. Alam ko namang ayaw niya akong makita. Nasa kwarto nga pala si Amber— nagbibihis na. Ang sabi ko sa kaniya, papasyal kayo sa mall. Ikaw na muna ang bahalang magbantay sa pamangkin mo, ah. Binilinan ko naman siyang huwag maglilikot at nangako naman siya sa 'kin." "Okay, ate. Huwag mo nang alalahanin si Amber. Ako na ang bahala sa kaniya." "Sige, tutuloy na ako." "Sige. Ingat ka, Ate." "Kayo rin." Ilang minuto ang naging biyahe ng sinasakyang bus ni Lianne, bago narating ang kulungan kung saan limang taon ng nakakulong ang ama niyang si Maximo sa salang pagpatay kay Renato Rodriguez— ang ama ni Elton. Ang papa ni Lianne ay trabahador sa pabrika ng asukal ng mga Rodriguez noon sa Tarlac branch. Nang araw na maganap ang trahedya ay mabigat ang pagtatalo sa pagitan ng dalawa. Naitulak ng kaniyang ama sa may hagdanan si Mr. Rodriguez, dahilan para isugod ito sa ospital at kalaunan ay bawian ng buhay. Sa pagkamatay ni Mr. Rodriguez, sunod-sunod ang dagok na dumating sa kanilang pamilya. Nakulong ang kaniyang ama, habang ang relasyon niya kay Elton ay nagkaroon ng lamat at tuluyan silang nagkahiwalay— na isinisi niya rito sa matagal na panahon. Subalit ngayo
Vous aimerez aussi
- 1
AlbumMACKAVON
MACKAVON · 5 804 écoutes
- 2
AlbumGlobal Crush
Alex Van Pelt · 5 733 écoutes
- 3
AlbumEl Rock De una Noche De Verano (Remastered 2005)
Miguel Ríos · 5 845 écoutes
- 4
AlbumBilletes de 100
Billetes de 100 · 7 997 écoutes
- 5
Albumodds & ends
Recusant Wave · 10 338 écoutes
- 6
AlbumTrouble Show
Trouble Show · 1 221 écoutes
- 7
AlbumD.I.
khayali · 5 834 écoutes
- 8
Album六
Trademark Blud · 8 178 écoutes
- 9
AlbumJannie Du Toit Radio
6 036 écoutes
- 10
AlbumMad Miguel Radio
174 écoutes
- 11
AlbumSt. Louis Anthem
6 562 écoutes
- 12
AlbumSITIO BANGUNGOT - HORROR STORIES
240 149 écoutes