SpotifyToMP3
NABUNTIS ANG DALAGA NG ANAK NG KANYANG BOSS. TITIRA SYA SA MANSYON. MASUKLIAN KAYA NIYA ANG PAG-IBIG

NABUNTIS ANG DALAGA NG ANAK NG KANYANG BOSS. TITIRA SYA SA MANSYON. MASUKLIAN KAYA NIYA ANG PAG-IBIG

87:29 · 174 écoutes

De l'album AMIHAN STORIES PODCAST

Description

Amihan Stories Love Story | UNCUT STORY: NABUNTIS ANG DALAGA NG ANAK NG KANYANG BOSS. NAPILITAN SIYANG TUMIRA SYA SA MANSYON NG MGA ITO DAHIL SA KAGUSTUHAN NITO AT NG INA NITO. AKALA NIYA'Y PARA LANG SA BABY KAYA SIYA PINAKIKISAMAHAN NG BINATA. MAY PAGTINGIN NA RIN PALA ITO SA KANYA. MASUKLIAN KAYA NIYA ANG PAG-IBIG NITO? | Pinoy Romance Audiobook | Tagalog Love Story | Love Story Tagalog | Pinoy story A Story Written by: Undeniably Fool Narrated by: Sasa Edited & Produced by: Amihan Title: My Baby Daddy is My Boss's Son Crafted exclusively for Amihan Stories PREVIEW: "Raquel! Kanina pa kita hinahanap, nandito ka lang pala!" nakangiting wika ng kaniyang boss na si Mrs. Alana Elizondo. Napakaganda nito sa suot na pulang dress. Nahihiyang ngumiti siya rito. "Madam, dito muna ako. Ang dami kasing tao. Alam mo naman pong may pagka-introvert ako. Hindi ako makahinga sa dami ng bisita." Humalakhak ito. "Of course, maraming tao. It's my 50th birthday, Raquel. You're supposed to be enjoying my party." "Nag-eenjoy naman ako, Madam. Gusto ko lang po talaga na mapag-isa. Nahihiya rin ako na na-invite pa ako rito. Hindi naman dapat ako kasama rito, eh. Personal assistant mo lang po ako tapos nandito ako." Umirap ang ginang at masuyo siyang hinawakan sa braso. "Don't say that, Raquel. You are way more than just my personal assistant. Para na kitang anak. Alam mo naman na wala akong anak na babae." Napangiti siya rito. Si Mrs. Elizondo ang nagpaaral sa kaniya mula noong mag-kolehiyo siya. Nakilala niya ito dahil ito ang may-ari ng Elizondo Foundation, na siyang nagbigay sa kaniya ng scholarship. Pagkatapos niyang maka-graduate ay kinuha na siya ng ginang bilang personal assistant nito sa foundation. "Madam, alam kong boss kita. Pero parang nanay na rin po ang turing ko sa 'yo. Maaga nga kasing namatay ang nanay ko dahil sa TB. Tapos 'yong tatay ko naman, may bagong pamilya na. Kaya sobrang grateful po talaga ako na maging bahagi ng buhay mo, Madam. At para ituring mo pang anak. Ang swerte-swerte ko talaga." Lumapad

Vous aimerez aussi