
MATAPANG NA DALAGA, HINDI NAKAILAG ANG PUSO SA BINATANG AYAW SA PAG-IBIG NGUNIT NANGHALIK?
78:36 · 1 744 écoutes
De l'album JHAM TALES
Description
Story written by: DG Sam Story voice: Jey-ey Story arrangements: Admin Luna Margaret Story preview: “ANO naman ngayon kung kasabay namin magsisimba ang lalaking iyon?! Bakit ba ako mag-i-effort sa pag-aayos para sa kanya? Wala naman akong gusto sa kanya? Hindi ko na dapat ini-stress ang sarili ko sa pag-iisip kung ano ang sasabihin niya sa itsura ko, di ba?” kausap ni Arlene sa sariling repleksyon sa salamin. Simple lang ang suot niya, walang mag-iisip na halos tatlong oras niyang pinag-isipan kung ano ang isusuot ngayon. Kagabi lang niya nalaman mula sa bunsong kapatid na si Lea na sasabay sa pamilya nila sa pagsisimba si Miguel. Si Miguel ang bagong mekaniko sa talyer ng ama niya. Inuupahan din nito ang isang unit sa apartment nila na katabi lang ng bahay nila. Pamangkin daw si Miguel ng kaibigan ng ama niya kaya naman kahit dalawang buwan pa lang ang lalaki sa bayan nila, buong puso na itong tinanggap ng pamilya niya. Matangkad, matipuno at gwapo ang lalaki. Palabiro, mabait, matulungin at masipag din daw ito sabi ng ama niya. Sa Maynila siya nakatira at nagbabakasyon lang siya ngayon dito sa bayan nila kaya naman isang linggo pa lang niyang kilala ang lalaki. “Pero hindi talaga ako naniniwala na simpleng mekaniko lang siya. Hindi ko lang matukoy kung ano iyon pero malakas ang pakiramdam ko na may itinatago siyang sikreto,” aniya sa sarili. “Ate Arlene! Bilisan mo na! Iiwan ka na daw namin sabi ni Mama. Baka tapos na ang misa pagdating natin sa simbahan,” tawag sa kanya ni Lea mula sa labas ng pinto ng silid niya. “Ito na nga, palabas na ako. Kunin ko lang ang bag ko.” Pababa na siya ng hagdan nang makita niya si Miguel sa paanan ng hagdan. Kausap nito ang kapatid niyang si Elliot. Mas lumitaw ang kagwapuhan ni Miguel sa suot na light blue polo at navy blue na pants. Mukhang bagong ahit ito at bagong gupit din ang buhok. Tumingala ito nang maramdaman ang pagbaba niya at nagsalubong ang mga mata nila. Nalimutan tuloy ng mga paa niya na may apat na baitang pa siyang tatapakan bago tuluyang makaba
Vous aimerez aussi
- 1
AlbumBLVRD
BLVRD · 9 318 écoutes
- 2
AlbumCastle In The Air
Jackal · 7 713 écoutes
- 3
AlbumWhite Horse
LXEAR · 1 910 écoutes
- 4
AlbumIV
Bio · 4 754 écoutes
- 5
AlbumSurvive
Kwaku Byble · 8 638 écoutes
- 6
AlbumSatish Ray
8 299 écoutes
- 7
AlbumThe Maid and the Heirs
1 046 écoutes
- 8
AlbumNagano-25
Nagano-25 · 5 366 écoutes
- 9
AlbumIntimate
Rebecca Nazz · 7 348 écoutes
- 10
AlbumNoob
Noob · 8 955 écoutes
- 11
AlbumBe Defenceless
Kostja · 10 097 écoutes
- 12
AlbumMoonchild
Holy Youth Movement · 9 249 écoutes