SpotifyToMP3
HOLY  LIVE MASS TODAY at Santo Padre Pio National Shrine ° Mayo 09, 2026  6AM

HOLY LIVE MASS TODAY at Santo Padre Pio National Shrine ° Mayo 09, 2026 6AM

58:54 · 5 581 écoutes

De l'album Catholic Mass Today Live (CMTL)

Description

Parish and National Shrine of St. Padre Pio FILIPINO CATHOLIC MASS TODAY LIVE HEALING MASS (I|) May 09, 2022 SEASON OF EASTER - Healing Mass SABADO sa Ika-5 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay || Paggunita sa Mahal na Birkenhead Maria tuwing Sabado BANAL NA MISA. Online Mass | UNANG PAGBASA Mga Gawa 16, 1-10 Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol Noong mga araw na iyon, nagpunta si Pablo sa Derbe at Listra. At may isang alagad doon na ang pangala’y Timoteo, anak ng isang mananampalatayang Judia, at ng isang Griego. Pinatunayan ng mga kapatid sa Listra at sa Iconio na mabuting tao si Timoteo. Ibig isama ni Pablo si Timoteo, kaya’t tinuli niya ito sapagkat alam ng lahat ng Judio sa lungsod na iyon na Griego ang kanyang ama. Sa bawat lungsod na kanilang dinalaw ay ipinaalam nila sa mga kapatid ang pasiya ng mga apostol at matatanda sa Jerusalem, at iniutos na sundin iyon. Kaya’t tumibay sa pananampalataya ang mga kaanib ng bawat simbahan at dumarami ang bilang ng mga alagad araw-araw. Naglakbay sina Pablo sa lupain ng Frigia at Galacia, sapagkat sinansala sila ng Espiritu Santo na mangaral sa Asia. Pagdating sa hangganan ng Misia, ibig sana nilang pumasok sa Bitinia, subalit hindi sila pinahintulutan ng Espiritu ni Hesus. Kaya’t bumagtas sila ng Misia at nagtungo sa Troas. Kinagabihan, nagkaroon si Pablo ng isang pangitain: may isang lalaking taga-Macedonia, nakatayo at namamanhik sa kanya, “Tumawid po kayo rito sa Macedonia at tulungan ninyo kami.” Pagkatapos ng pangitaing ito, gumayak kami agad sapagkat natanto naming kami’y tinatawag ng Diyos upang ipangaral sa Macedonia ang Mabuting Balita. Ang Salita ng Diyos. SALMONG TUGUNAN Salmo 99, 2. 3. 5 Purihin ng lahat ang D’yos, parangalan s’yang malugod. o kaya: Aleluya! Umawit sa kagalakan ang lahat ng mga bansa! Panginoo’y papurihan, paglingkuran siyang kusa; lumapit sa harap niya at umawit na may tuwa! Purihin ng lahat ang D’yos, parangalan s’yang malugod. Ang Panginoo’y ating Diyos! Ito’y dapat malaman, tayo’y kanya, kanyang lahat, tayong lahat

Vous aimerez aussi