SpotifyToMP3
GENERAL, NAIS IPA-TULFÓ ANG NANAY NA NAGTAGO SA KANIYANG ANAK UPANG DI NA MAKATAKAS PA ULIT

GENERAL, NAIS IPA-TULFÓ ANG NANAY NA NAGTAGO SA KANIYANG ANAK UPANG DI NA MAKATAKAS PA ULIT

88:01 · 7 117 écoutes

De l'album JHAM TALES

Description

Story preview: Maagang-maaga pa lang ay seryoso na ang aura sa loob ng presinto. Katulad ng lalaking nakaupo sa gitna, si Police General Ramon Dela Cruz. Nakatutok ang mata niya sa mga dokumento, walang emosyon ang mukha habang isa-isang pinipirmahan ang mga papeles. “Next case… Lucas, pakibilisan din ang mga kinakailangan na dagdag na kapulisan sa ibang parte ng Santa Fe,” malamig niyang utos. Naatasan kasi siya sa baryo ng Santa Fe upang ayusin ang mga nagulong pamumuhay dahil sa magulong isyu noon sa lugar. Malapit na nilang matapos ang misyon. Ngunit bago pa makalapit ang si Lucas ay bumukas nang malakas ang pintuan ng presinto. “Kuyang pulis! Kuyang pulis!” sigaw ng isang maliit at matabang batang babae, edad na nasa limang taong gulang. “Nako, bata. Bawal ka rito,” wika ng kasamahang pulis ni Ramon pero dere-deretso lang itong lumapit kay Ramon. “Kuyang pulis… tulungan mo kami…” mataray na wika nito. Lalapit sana ang isang pulis para palabasin ang bata nang itaas ni Ramon ang kamay senyales na hayaan ang batang kausapin siya. Sumilip ito sa selda. “Maluwang pa po ba ro’n? Ikulong niyo ro’n ang manliligaw ng Mama kong si Marco,” inosente nitong utos. Nagtawanan ang ibang pulis. “Bakit kayo natatawa?!” nakakunot na nitong tanong at masamang tumingin sa kasamahan ni Ramon. “Nakikipaglaro ka lang yata, bata… ang lugar na ‘to, hindi pwedeng paglaruan… marami kaming kailangan na lutasing problema ngayon,” wika ng isang pulis. “Nagsasabi po ako ng totoo… may masamang tambay po… hinalikan niya si Mama ko… tapos pinagalitan niya pa po si Mama kasi ayaw ng Mama ko na magpahalik…” sumbong ng bata. Biglang tumahimik ang paligid. Nawala ang ingay ng presinto pero ‘di kalaunan ay natawa ulit ang mga ‘to. “Nasaan ba ang mama mo?” tanong ni Ramon, bahagyang lumambot ang boses. “Baka naman naglalambingan lang sila at boyfriend ‘yon ng Mama mo.” “Kaya nga, bata… tapos mag-isa ka pang pumunta rito, alam ba ‘yan ng Mama mo? Delikado rito, alam mo ba ‘yon?” tanong pa ng isang pulis. Nagulat si Ramon nang tumayo

Vous aimerez aussi