
DALAGA, INIWAN NG NOBYO DAHIL MATABA. SA HALIP NA HUSGAHAN, TINULUNGAN SYA NG GWAPONG TYCOON, NGUNIT
76:47 · 523 écoutes
De l'album LIZARES Series
Description
TAGALOG STORY FULL STORY UNCUT: DALAGA, INIWAN NG NOBYO DAHIL MATABA. SA HALIP NA HUSGAHAN, TINULUNGAN SYA NG GWAPONG TYCOON. HU YU SI EX SA MULI NILANG PAGKIKITA. NGUNIT PAANO ANG PAG-IBIG NI COACH DOC SA KANYA? NAAGRABYADO PALA NG KUYA NIYANG BABAERO ANG KAISA-ISANG KAPATID NG BINATA. | Love Story Tagalog | Pinoy story LIZARES Series complete Playlist - https://www.youtube.com/playlist?list=PLGF4AjJVT1lenpNvQvIuVokw_4X-VbhMO Written by: Gael Aragon Narrated by: Sasa Edited by: Amihan Title: The Tycoon And His FAT Princess (Lizares Series 5 ) Exclusively written for Amihan Stories Napatingala siya. Isang matangkad na lalaki ang bumulaga sa kaniyang paningin. Naka-suit ito, all-black. Itim din ang kulay ng payong na dala nito. Nakatingin ang kulay tsokolate nitong mga mata sa kaniya na wala namang kahit na anong emosyon. Mariing magkadikit ang maninipis, ngunit mapupula nitong mga labi. Ang matangos naman nitong ilong, parang bubuga ng apoy sa hindi niya malamang dahilan. At kahit sa nanlalabong mga mata, alam niyang natural na kulay kape ang buhok nito kaya nahinuha niyang may ibang lahi ito, bukod sa matangkad din ang lalaki. Suminghot si Gia. "S-sino ka?" garalgal ang tinig na tanong niya. "JUST a passerby who saw a helpless kitten," sagot ni Vladimir, hindi alintana kung nababasa na ang kalahati ng katawan niya dahil halos sa babae naman nakatutok ang payong niya. "K-kitten?" "Yes. A kitten." "You mean me?" "Bakit? May iba pa bang tao rito?" Luminga si Vladimir sa paligid bago muling tiningnan ang babaeng madali namang nagpahid ng mga luha. "Para sabihin ko sa 'yo, hindi ako kuting, mister. Tao ako. Tao! At hindi mo ba nakikita kong gaano ako kalaki? Kaya huwag kang magbiro kung ayaw mong magkapasa," gigil nitong wika. Napataas ang sulok ng labi niya. Palaban pala siyang talaga, ha? Ang totoo, kanina pa niya ito pinagmamasdan mula sa loob ng kaniyang sasakyan, habang tila nakikipagtalo sa lalaking umalis. Naroon kasi siya para bumisita sa kaniyang coffee shop na siya ring nilabasan nito. At base sa
Vous aimerez aussi
- 1
AlbumDel Sol
Del Sol · 9 379 écoutes
- 2
AlbumThe Holy Quran, Sheikh Salah Bukhatir | القرآن الكريم صلاح بوخاطر
Sheikh Salah Bukhatir... · 3 177 écoutes
- 3
AlbumMira Radio
Mira · 4 685 écoutes
- 4
AlbumCompass Rose quintet Radio
4 390 écoutes
- 5
AlbumOcoeur Radio
7 443 écoutes
- 6
AlbumZarastruta Radio
8 286 écoutes
- 7
AlbumOcéan de passion
Marvin J. Galaxy · 2 641 écoutes
- 8
AlbumLil Kiest 100
Lil Kiest 100 · 7 563 écoutes
- 9
AlbumGod, Ghosts and the Paranormal Ministry 2: Chronicles of an American Exorcist
8 074 écoutes
- 10
AlbumLuke Holland
Luke Holland · 5 640 écoutes
- 11
AlbumRoyal Noble
Royal Noble · 4 414 écoutes
- 12
AlbumDaniel Cosmic
Daniel Cosmic · 8 267 écoutes