SpotifyToMP3
BABAE, SINUGOD ANG NAKABUNTIS SA KANYA NGUNIT AYAW TALAGA NITONG AMIN NA NAG-ONE NIGHT STAND SILA!

BABAE, SINUGOD ANG NAKABUNTIS SA KANYA NGUNIT AYAW TALAGA NITONG AMIN NA NAG-ONE NIGHT STAND SILA!

65:33 · 2 093 écoutes

De l'album Dear Amihan Stories

Description

Tagalog Love Story | THE GENTLEMEN’S CLUB SERIES 2: ONE-NIGHT STAND WITH THE GIRL IN THAILAND | BABAE, SINUGOD ANG NAKABUNTIS SA KANYA NGUNIT AYAW TALAGA NITONG AMIN NA NAG-ONE NIGHT STAND SILA! | Inspirational Love Story Kilig Love Story Tagalog Romance Written by: Jazmin Jayle Narrated by: Miss JeyEy Edited by: Andrea Gale “Kung interesado siya sa akin at gusto niya talaga akong panagutan, eh, ’di sana ay hinanap niya ako. Nag-effort man lang sana siya para magkita ulit kami at ituloy ang aming relasyon.” “Malay mo, busy lang siya.” “Sa tingin ko, girlfriend niya talaga ’yong Juris na lumapit sa amin doon sa hotel na tinuluyan niya sa Thailand. Malamang ang babaeng ’yon ang pinagkakaabalahan niya ngayon, kaya nakalimutan na niya ako at ’yong nangyari sa amin.” “So, sinasabi mo ngayon na hindi mo na siya hahanapin, Ate Joyce? Hindi mo siya pupuntahan para sabihin sa kanya na nagbunga ’yong nangyari sa inyo sa Thailand?” “Gusto ko, Melai. Pero binalaan kasi ako ng doktor. Iwasan ko raw na ma-stress dahil baka mawala ang baby. Kapag hinanap ko si Elmer, tapos nagkita nga kami pero may iba naman siyang babae, sa tingin mo, hindi ako ma-e-stress nang sobra?” Nalungkot na rin si Melai at puno ng pagkadismayang napabuga ng hangin. “Pero hindi pa rin ako papayag na hindi niya tanggapin at kilalanin itong batang dinadala ko. Anak niya rin ito, kaya kahit mag-jowa siya ng sampu at pakasalan niya lahat, hahabulin ko pa rin siya!” deklara niya sa seryoso at matigas na boses. “At kailan mo naman gagawin ’yon, Ate? Eh, ’di ba sabi mo, bawal kang ma-stress?” “Pagkatapos kong manganak. Kapag puwede na akong ma-stress ulit at gumalaw. Saka ko siya hahabulin! At hindi ko siya titigilan kapag itinanggi niya ang anak namin at hindi kinilala! Guguluhin ko ang buhay niya, at kung sakaling may girlfriend nga siya ay idadamay ko rin!” “Ganyan nga, Ate Joyce! Tayong mga Raval ay hindi pumapayag na agrabyaduhin ng kahit sino! Kailangang panagutin mo ang Elmer na ’yon sa ginawa niya sa ’yo!” agad na sang-ayon ng kapatid niya.

Vous aimerez aussi