
BABAE, NAGBUNTIS PARA SA KAKAMBAL PERO HINDI PALA NIYA KAYANG IBIGAY ANG MGA BATA KAYA TUMAKAS SIYA!
75:05 · 7 135 écoutes
De l'album Dear Amihan Stories
Description
Tagalog Love Story | Running Away with the CEO’s Twins | BABAE, NAGBUNTIS PARA SA KAKAMBAL PERO HINDI PALA NIYA KAYANG IBIGAY ANG MGA BATA KAYA TUMAKAS SIYA! | Inspirational Love Story Kilig Love Story Tagalog Romance Written by: Dyce Narrated by: Miss JeyEy Revised and rearranged by: Andrea Gale “SABINA, iyong utang mo—sa’yo na lang ba ’yon?” ani Aling Ising, ang tinderang pinagkakautangan ni Sabina. “Aling Ising naman, alam ko po. Sa katunayan, ibibigay ko na nga po sa inyo bukas na bukas din. Kaya huwag na po kayong magalit—nakapapangit ’yon, sige,” sagot niya. “Siguraduhin mo lang, Sabina.” Nang makaalis si Aling Ising ay napabuntong-hininga siya. Ang totoo, matapos niyang umalis sa poder ng pamilya, ay nagipit na siya sa pera. Siya na kasi ang sumasagot sa lahat ng gastusin mula nang magdesisyon siyang bumukod. Dahil sa katigasan ng ulo niya ay wala siyang manang nakuha mula sa mga magulang. At sa totoo lang, hindi naman iyon importante sa kanya. Mas masarap pa ring mabuhay nang malaya. Napatingin siya sa mga bills na kailangang bayaran ngayong buwan. Iyon nga lang, malaya siya pero mahirap. “Ano? Magagawan ko kayo ng paraan, ako pa,” aniya, saka kinuha ang mga iyon at itinago sa cabinet. Abala siya sa pagkakape nang umagang iyon nang makarinig ng tawag mula sa kanyang teleponong naka-charge sa ibabaw ng mesa. Nang makita ang pangalan ng kakambal na tumatawag ay agad niya iyong sinagot. “Hello?” “Hi, Sabina,” malambing na bati ni Samantha. Nasa America ito ngayon, kaya napakunot ang noo niya. “Ano? Pipilitin mo na naman akong pumunta r’yan? Hindi kita mapupuntahan sa America. Kahit mahirap, mas gusto ko ang buhay na mag-isa rito dahil malaya ako at—” Napahinto siya nang marinig ang mahinhing tawa ni Samantha. “Silly, Sab. Kung buhay lang ang parents natin, for sure magagalit na naman sila sa ’yo. The same Sab that I know—matigas ang ulo. But… I did not call you for that. Tumawag ako dahil manghihingi sana ako ng favor.” “Anong pabor naman ’yan?” tanong niya, saka sumimsim sa kape. Sandaling
Vous aimerez aussi
- 1
AlbumShakespeare in Brief: Concise Summaries of Plots, Characters, and Themes from All Shakespearean Plays in One Comprehensive Book
3 412 écoutes
- 2
AlbumKramer Radio
4 344 écoutes
- 3
AlbumSil Austin
Sil Austin · 4 810 écoutes
- 4
AlbumShxde Radio
8 064 écoutes
- 5
AlbumTelS
TelS · 3 901 écoutes
- 6
AlbumPsycholonelystar
hellaplayer · 8 065 écoutes
- 7
AlbumХуторок
SIMONIST · 2 410 écoutes
- 8
AlbumSTRABISMUS
kelson. · 2 480 écoutes
- 9
AlbumKiss, Kiss, Kill, Kill
Lia Moss · 3 932 écoutes
- 10
AlbumWithin the Scenery
Jenine · 6 806 écoutes
- 11
AlbumYung Kizo
Yung Kizo · 349 écoutes
- 12
AlbumFate attenzione
Willy Blasetti · 7 607 écoutes