
BABAE, HANGGANG KAILAN ITATAGO ANG ANAK SA AMA NITO AT MAGING SA BUONG MUNDO?
70:39 · 8 025 écoutes
De l'album Mi Amor Tales
Description
FULL STORY: Guanzon Series 10: Hiding the Chairman’s Daughter | BABAE, HANGGANG KAILAN ITATAGO ANG ANAK SA AMA NITO AT MAGING SA BUONG MUNDO? | Kilig Love Stories Tagalog Audiobook Inspirational Stories Written by: August R. Narrated by: Miss JeyEy Revised and rearranged by: Andrea Gale Kaka-graduate niya lang sa college nang mabuntis. Natakot siyang malaman ng kanyang mga magulang kaya humingi siya ng tulong sa kanyang manager. Nagalit din ito pero walang nagawa kundi ang tulungan siya. “Gagawan ko ng paraan. Kawawa naman ang apo ko kung lalong magkakasakit dahil iiyak nang iiyak.” “Si Ate Leila po naka-day off.” Kung sana ay alam ng mga magulang niya, baka may katulong siyang mag-alaga. Nagdahilan lang siya sa mga ito noon na may project na gagawin sa malayong probinsya pero ang totoo ay magtatago siya dahil buntis. “Sige. Sige. Ipagpapaalam kita sa management. Naku ka talaga! Kung hindi lang kita mahal na bata ka.” Hinaplos niya ang noo ng anak. “Salamat, Tita.” “Oo na. Sige.” Anito. “Siya nga pala, ‘yong meeting mo with the magazine, kailan nating isisingit sa schedule? Hindi pwedeng mabago this week dahil puno na. May taping ka pa. Kung sana tapos na ang taping mo, pwede sana.” “Ikaw na po ang bahala kung kailan pwede. Babawi ako sa susunod. Hindi ko lang pwedeng iwan ang anak ko.” “Nauunawaan ko naman.” “Salamat po.” Nang ibaba nito ang tawag ay tinabihan niya ang anak sa kama. Hinaplos niya ang noo nito na mainit pa rin pero hindi na gaanong mataas ang lagnat. “Mahal na mahal kita, anak. Pagaling ka na, hmm?” College siya nang makilala ang ama ni Philly sa isang club party. Sikat na siya noon bilang singer at artista. Naging mag-fling sila ng lalaki hanggang sa maging official, laging magkasama sa party hanggang nakalimot isang gabi at mabuntis siya. Hindi rin niya sinabi rito dahil natatakot siyang ma-reject. Natatakot rin siyang malaman ng publiko. “Momma…” Mabilis siyang bumangon. “Yes po? Masakit pa ang ulo ng mahal ko?” Namuo ang luha sa gilid ng mga mata ng batang babae.
Vous aimerez aussi
- 1
AlbumVIGILANT
VIGILANT · 7 307 écoutes
- 2
AlbumActivist24
Activist24 · 10 278 écoutes
- 3
AlbumSkambankt
Skambankt · 174 écoutes
- 4
AlbumJenn Bostic Radio
Jenn Bostic · 5 520 écoutes
- 5
AlbumHuzursuz Seyirler Remixes
Affet Robot · 8 597 écoutes
- 6
AlbumMuay Thai
Kreud G · 1 791 écoutes
- 7
AlbumDESPICABLE.ME
ARMANI DAINE · 5 303 écoutes
- 8
AlbumMenor Bs
Menor Bs · 7 577 écoutes
- 9
AlbumDeep
Moved To This · 5 473 écoutes
- 10
Albumdpeezyy
dpeezyy · 5 114 écoutes
- 11
AlbumAlexion
Alexion · 11 398 écoutes
- 12
AlbumTim Whybrow Radio
Samuel Miller · 10 407 écoutes