SpotifyToMP3
AKSIDENTENG NABASAG NG BABAE ANG MGA MAMAHALING WINE, NAHAGKAN PA ANG BOSS. BILANG KAPALIT, ITUTULOY

AKSIDENTENG NABASAG NG BABAE ANG MGA MAMAHALING WINE, NAHAGKAN PA ANG BOSS. BILANG KAPALIT, ITUTULOY

77:44 · 1 395 898 écoutes

De l'album AMIHAN STORIES

Description

Amihan Stories Love Story | FULL STORY: AKSIDENTENG NABASAG NG BABAENG ENOLOGIST SA CALIFORNIA ANG MGA MAMAHALING WINE, NAHAGKAN PA ANG BOSS. BILANG KAPALIT PARA MA-ABSWE LTO SIYA, ITUTULOY NIYA ANG WINE RECIPE NA SINIMULAN NG KANYANG NAMAYAPANG AMA. MAGAWA KAYA NIYA? | Pinoy Romance Audiobook GUERRERO Siblings Series - https://www.youtube.com/playlist?list=PLGF4AjJVT1lecXaIovM7gwDl9zWHMSPMj Written by: Rhod Selda Narrated by: Sasa Edited by: Amihan Title: Accidental Encounter With My Boss (Guerrero New Generation Series 2) Exclusively written for Amihan Stories PATAKBONG pumasok si Jessie sa winery building dahil late na siya sa trabaho. Ngunit pagdating niya sa malawak na lobby na maraming dislay na wine ay bigla siyang natapilok. "Ay, wine mong matamis!" tili niya at napakapit sa wine cellar na yari sa kahoy. Naalog iyon nang husto at nalaglag ang ibang lamang bote ng wine. Kamuntik na siyang sumemplang nang may brasong humapit sa kan'yang baywang. Ngunit nawalan ng balanse ang lalaki kaya nabuwal sila sa sahig. "Ugh!" daing ng lalaki na kan'yang nasampahan. Natigilan siya nang maramdaman ang paglapat ng kan'yang bibig sa malalambot na mga labi ng lalaki. "S-Sorry, sir," aniya nang bahagyang mailayo ang kan'yang mukha rito. Natitigan niya ang guwapo nitong mukha, ang abuhin nitong mga mata, matangos na ilong, mapupula na mga labi na katamtaman ang nipis. "The wines!" mayamaya ay sigaw ng lalaki, marahan siyang itinulak sa mga balikat. Napatayo naman siya at inayos ang nagulo niyang ga-baywang na buhok. "What did you do, woman?" tanong ng lalaki sa matigas na tinig. Sinuyod ito ng tingin ni Jessie nang siya'y makatayo. Matangkad ito, at hula niya'y nasa six feet mahigit ang taas, matikas, bakat sa bughaw nitong polo-shirt ang matipunong dibdib nito. "I-I really sorry, sir." Natataranta na siya at pinulot ang basag na bote ng wine. Inamoy niya ang natirang serbesa sa bote. "Hm, it smells familiar," aniya. "Hey! Do you hear me, miss?" mayamaya ay tanong ng lalaki. Muli niya itong hinarap at nilamo

Vous aimerez aussi