SpotifyToMP3
AFTER 7 YEARS, KINUHA SIYANG PERSONAL NURSE NG DONYA. MAY KASAMA SIYANG KAMBAL, SI SENYORITO ANG AMA

AFTER 7 YEARS, KINUHA SIYANG PERSONAL NURSE NG DONYA. MAY KASAMA SIYANG KAMBAL, SI SENYORITO ANG AMA

107:59 · 5 401 écoutes

De l'album AMIHAN STORIES PODCAST

Description

Amihan Stories Love Story | FULL EPISODE: MAKALIPAS ANG 7 YEARS, BUMALIK ANG BABAE SA HACIENDA PARA MAGING PERSONAL NURSE NG DONYA. MULI SILANG MAGKIKITA NI SENYORITO. GULAT ANG MAG-INA. MAY ANAK SILANG KAMBAL NI SENYORITO! | Pinoy Romance Audiobook | Tagalog Love Story | Love Story Tagalog | Pinoy story A Story Written by: Tin Gonzales Narrated by: Sasa Revised & rearranged by: Amihan Title: The Playboy Señorito's Secret Twins Crafted exclusively for Amihan Stories "Opo, mommy! Kaya mag-aaral po kaming mabuti." Muling napatitig si Celestine sa mga anak. Kung makikita siguro ang mga ito ni Vince, tiyak na madali nitong malalaman kung sino ang ama ng mga ito. Pitong taon na ang lumipas pero hindi pa rin niya nakalimutan ang nag-iisang lalaki na lihim niyang tinangi at binigyan siya ng dalawang bibo at gwapong kambal. Hindi naging madali ang pakikipagsapalaran ni Celestine sa Maynila. Pero buti na lang at hindi naman siya pinabayaan ng kanyang ina pagdating sa moral support at financial. 7 years ago, nakilala rin niya si Rita. Nakatabi niya ito sa bus patungong Manila. May dinalaw daw ito sa San Andres, nagkataon na mas gusto raw nitong mag-bus kaysa mag-drive ng kotse. Habang nasa byahe, naikwento niya rito na makikipagsapalaran siya sa Maynila kahit na buntis siya. Nag-alala ito sa kalagayan niya kaya inalok siya nito na sa bahay na muna nito tumuloy pansamantala. Akala pa nga niya'y may paupahang kwarto sina Rita, ngunit pinatira siya nito ng libre. Medyo may kaya sa buhay sina Rita at mababait ang mga magulang nito, palibhasa'y nag-iisa itong anak, kaya itinuring na rin siya ng mga ito na kapamilya. Pinagsabay ni Celestine ang pagtatrabaho, pag-aaral at pag-aalaga sa mga anak, katuwang ang kaibigan at mga magulang nito. Kaya napakalaki ng utang na loob niya sa mga ito, pero paminsan-minsan lumuluwas ang kaniyang ina para kumustahin sila at mag-abot na rin ng pera. Wala ring humpay ang pasasalamat ni Aling Cecelia kina Rita. "Celestine, lumalaki na mga anak mo at parehong matalino. Anong plano mo?" bul

Vous aimerez aussi