
Panalangin sa mga Sugat ni Jesus (15 Panalangin) • Tagalog 15 Prayers of St. Bridget
43:19 · 16,742 plays
Mula sa album Tagalog Prayers for Lenten Season ✝️ | Holy Week | Mga Panalangin Tuwing Kuwaresma | Semana Santa
Paglalarawan
Panalangin sa mga Sugat ni Jesus: Ang Labinlimang Panalangin ni Sta. Brigida | Tagalog 15 Prayers of St. Bridget of Sweden Dahil sa matagal nang hangarin ni Santa Brigida na malaman ang bilang ng mga hagupit na tinanggap ng ating Panginoon noong Kanyang Pasyon, isang araw ay nagpakita Siya at sinabing, “Tumanggap Ako ng 5,475 hagupit sa Aking Katawan. Kung nais mong parangalan ang mga ito, bigkasin ang 15 Ama Namin at 15 Aba Ginoong Maria, kasama ang mga sumusunod na panalangin na itinuro sa kanya, sa buong isang taon. Kapag tapos na ang isang taon, iyong naparangalan ang bawat isa sa Aking mga sugat.” Ipinangako ng ating Panginoon ang mga sumusunod sa sinumang bumigkas sa mga panalanging ito sa buong isang taon: 1. Aking ililigtas mula sa Purgatoryo ang 15 kaluluwa sa kanyang angkan. 2. 14 na kaluluwa sa kanyang angkan ang makukumpilan at mapananatiling may biyaya. 3. 15 makasalanan sa kanyang angkan ang magbabalik-loob. 4. Sinumang bumigkas sa mga panalanging ito’y magtatamo ng pinakamataas na antas ng kabanalan. 5. 15 araw bago sumapit ang kanyang kamatayan, ibibigay Ko sa kanya ang Aking Kamahal-mahalang Katawan upang kanyang maligtasan ang walang-hanggang kagutuman; ibibigay Ko sa kanya ang Aking Kamahal-mahalang Dugo para inumin upang di-mauhaw magpasawalang-hanggan. 6. 15 araw bago sumapit ang kanyang kamatayan, magkakaroon siya ng matinding pagsisisi sa lahat ng kanyang kasalanan at ganap na kamalayan sa mga ito. 7. Ihaharap Ko sa kanya ang matagumpay Kong Krus bilang tulong at panangga sa pagsalakay ng kanyang mga kaaway. 8. Bago siya mamatay, darating Akong kapiling ang pinakamamahal at minumutya Kong Ina. 9. Buong giliw Kong tatanggapin ang kanyang kaluluwa at dadalhin ito sa walang-hanggang kaligayahan. 10. Pagdating doon, pagkakalooban Ko siya ng natatanging inumin mula sa bukal ng Aking Kabanalan, bagay na hindi Ko gagawin sa mga hindi bumigkas ng Aking mga Panalangin. 11. Ang sinumang namumuhay sa kasalanang mortal nang may 30 taon, subalit bibigkasin o may balak bigkasin ang mga Panalanging i
Baka Magustuhan Mo Rin
- 1
AlbumEmotional Betrayal
4,724 plays
- 2
AlbumKrs
Krs · 8,424 plays
- 3
AlbumDaylight
Slavtosow Human · 9,999 plays
- 4
AlbumVello bxcks
Vello bxcks · 1,860 plays
- 5
AlbumMeant To Be
Odarious · 3,320 plays
- 6
AlbumJune, Pt. 1
J Muse · 9,255 plays
- 7
AlbumH13NrV
H13NrV · 3,550 plays
- 8
AlbumCurimba de Ouro, Vol. 3
felipe de oxalá · 11,478 plays
- 9
AlbumA History Of
Kilter · 2,921 plays
- 10
Albumvincent monk
vincent monk · 10,159 plays
- 11
AlbumNothing Will Go Wrong
Slut · 1,720 plays
- 12
AlbumBD2
BD2 · 5,633 plays