
NURSE NA ASTIG, KINUPKOP ANG BABY NA NATAGPUAN SA BASURAHAN. ANAK PALA ITO NG POGING FORTRESS CLIENT
81:17 · 44,646 plays
Mula sa album FORTRESS AGENT SERIES by Maybel Abutar
Paglalarawan
kwentong pag ibig full story | Kilig stories | Love Story Tagalog | NURSE NA ASTIG, KINUPKOP ANG BABY NA NATAGPUAN SA BASURAHAN. ANAK PALA ITO NG POGING FORTRESS CLIENT | Pinoy story Complete FORTRESS AGENT SERIES Playlist - https://www.youtube.com/playlist?list=PLGF4AjJVT1ld0dc0uAyEYgf7k_BUvVsjY Written by: Maybel Abutar Narrated by: Sasa Edited by: Amihan Title: Suddenly Became A V!rg!n Mommy Exclusively written for Amihan Stories Lihim na napalunok si Rachiel nang marinig ang instensidad sa boses ng lalaki. Timbre pa lang ng boses nito ay tiyak katatakutan na, at ganoon nga ang napansin niya sa ekspresyon ng mga tauhan nito. Halata ang takot at respeto ng mga ito sa lalaking nagsalita. "Hindi mo na makikitang muli ang anak mo, Cameron. Masama kang tao. Hindi nababagay sa 'yo maging ama ng bata. Kung maririnig lang ako ng taong may hawak sa anak mo, sana huwag na niyang ibalik ang bata sa 'yo. Mapapahamak lang siya sa puder mo!" sigaw ng babae bago ito ipasok ng mga kalalakihan sa loob ng sasakyan. Walang ideya si Rachiel sa nangyayari, pero malakas ang kutob niya na hindi makabubuti kung ibabalik niya ang sanggol sa puder ni Cameron nang hindi niya nalalaman ang rason kung bakit ito itinakas ng babae. Baka si Cameron din ang dahilan kaya natatakot ang babae kanina nang makita niya. "Sige na kilos na, hanapin n'yo na ang anak ko!" maawtoridad na utos ni Cameron. "Masusunod po, Master!" sagot ng nakayukong lalaki na hindi man lang pinansin ang sinabi ng nagwawalang babae. Nagpatuloy si Rachiel sa paglalakad at nagpanggap na napadaan lang sa lugar. Lumagpas siya sa kanilang paresan, pero napahinto siya nang muling narinig ang seryosong boses ng lalaki. "Get that woman in trash clothes back here." Babalewalain sana ni Rachiel ang sinabi ng lalaki dahil hindi naman basura ang suot niyang damit. Luma lang iyon, pero hindi basura. Kaya lang, hinarangan siya ng mga tauhan ni Cameron. "Mawalang-galang na po mga sir. Kailangan ko na po kasing umuwi. Mahahamugan po ang anak ko. Ang hirap pa naman po kapag nagka
Baka Magustuhan Mo Rin
- 1
AlbumPretkotha (Bengali Horror Podcast)
8,017 plays
- 2
AlbumGarage Gun
Garage Gun · 10,269 plays
- 3
AlbumLife In Between
Chris Smith · 9,688 plays
- 4
AlbumW.W.D.O
The TRIPS · 5,192 plays
- 5
AlbumArrows of Time
Torpedo Torpedo · 9,447 plays
- 6
AlbumI Love HG
Big Rod 1804 · 3,562 plays
- 7
AlbumCharles Henle
Charles Henle · 9,567 plays
- 8
AlbumFrammenti
Mirage · 10,848 plays
- 9
AlbumCloud 180
JAntho CHO · 7,844 plays
- 10
AlbumWe Got This
All At Once · 7,173 plays
- 11
AlbumThe Last Resort
The Last Resort · 523 plays
- 12
AlbumMzade
4,360 plays