
KARMINA CONSTANTINO | The Linya-Linya Show Ep. 297 - Maldita Pero Mabait Para sa Bayan
95:33 · 2,093 plays
Mula sa album Linya-Linya
Paglalarawan
Sa episode na ito ng The Linya-Linya Show, nakasama natin ang isa sa pinakarespetado at pinakamatapang na boses sa Philippine broadcast journalism— si Ms. Karmina Constantino. Kilala siya sa kanyang firm, fierce, at fearless na estilo ng pagtatanong. Sa harap man ng senador, spokesperson, o sinumang makapangyarihan, hindi siya tumitiklop. Diretsahan kung diretsahan—basta mahalaga ang tanong, at para sa katotohanan. Sa episode na ito, nakilala rin natin ang tao sa likod ng journalist. Napag-usapan namin ang kanyang background, education, at ang impluwensiya ng pamilyang pinagmulan niya— isang pamilya ng historians, academics, at public intellectuals. Ikinuwento rin niya kung paano niya hina-handle ang tough interviews with tough personalities, kung paano siya naghahanda bago ang isang panayam, at kung paano niya pinapangalagaan ang integridad ng kanyang trabaho. Napunta rin ang usapan sa kanyang reputation bilang “maldita” sa harap ng camera, at kung bakit minsan kailangan talagang maging matigas at matatag— pero sa dulo, mabait pa rin para sa bayan. Sa gitna ng mga mabibigat na balita at mga nangyayari sa politika, napag-usapan din namin ang pag-asa at pangamba para sa bansa, at kung ano ang dapat gawin ng mga Pilipino habang papalapit ang 2028 national elections. Naglapag din tayo ng isang hypothetical na tanong: kung magkaharap sila ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa The Hague, ano-ano ang itatanong niya? Masaya at makabuluhang usapan. Hindi ako kinabahan, promise. Listen up, yo.
Baka Magustuhan Mo Rin
- 1
AlbumOUT OF PAIN
PEAVEN · 6,135 plays
- 2
AlbumLike
zionmood · 3,271 plays
- 3
AlbumKenny Aries
Kenny Aries · 7,406 plays
- 4
AlbumCollection of Funny Songs
nothin' · 349 plays
- 5
AlbumSilver Sails
Elír · 7,415 plays
- 6
AlbumMeus Hinos Queridos, Vol. 1
Luiz de Carvalho · 5,766 plays
- 7
AlbumThief for You
Mike Adkins · 5,623 plays
- 8
AlbumJULY BABY
Maya Leela · 5,592 plays
- 9
AlbumRituels Part.I : L'herbe de dieu.du diable
Shamzen · 9,726 plays
- 10
Albumselective hearing ep
2turnttj3 · 7,264 plays
- 11
AlbumLil Ponytail
Lil Ponytail · 4,852 plays
- 12
AlbumIncrivelmente Acordado
Salta · 5,343 plays