SpotifyToMP3
DALAGA PINAPANGIT ANG SARILI PARA DI MAGUSTUHAN NG KA-ARRANGED MARRIAGE. TRICYCLE DRIVER ANG AALUKIN

DALAGA PINAPANGIT ANG SARILI PARA DI MAGUSTUHAN NG KA-ARRANGED MARRIAGE. TRICYCLE DRIVER ANG AALUKIN

75:33 · 276,598 plays

Mula sa album AMIHAN STORIES

Paglalarawan

Amihan Stories Love Story | FULL STORY: DALAGA PINAPANGIT ANG SARILI PARA DI MAGUSTUHAN NG KA-ARRANGED MARRIAGE. TRICYCLE DRIVER ANG AALUKIN NIYA NG KASAL, TATAKAS SILA NG PROBINSYA. GULAT SILA, SILA PALA ANG TINAKDANG IKASAL TALAGA, PAANO? | Love Story Tagalog | Pinoy story | Pinoy Romance Audiobook | Tagalog Love Story Written by: Maybel Abutar Narrated by: Sasa Edited by: Amihan Title: Arranged Marriage Gone Wrong Exclusively written for Amihan Stories "No way! Siya ang pakakasalan ko?" Hindi makapaniwala si Chiara habang nakatingin sa larawang hawak niya. Umuwi pa siya ng Sta. Barbara para lang sundin ang gusto ng kaniyang Lolo at Lola, kahit na taliwas sa kagustuhan niya, tapos, ganitong lalaki lang naman pala ang ipapakasal sa kaniya? "Sayang ang hindi ko pag-renew ng kontrata sa modelling agency kung sa kaniya lang ako ikakasal," dismayado niyang sabi sabay hagis ng larawan sa maliit na mesa sa harapan nila ng pinsang si Armelita. "Chiara, mabait naman si Caleb. Hindi naman pipili ng masama ang ugali sina Lolo at Lola para sa 'yo. Kilalanin mo muna siya. Pero ako na ang nagsasabi sa 'yo, mabait siyang tao," saad ni Armelita. "His looks aren't a problem for me, Armelita. Plus points din ang attitude kung talagang mabait siya. Ang sa akin lang, naliligo ba 'yan araw-araw? Bakit ang dungis niya? Marunong ba siya ng proper hygiene? Tingnan mo naman, ang lago ng buhok at balbas niya. Proud siyang nakangiti, pero super dilaw ng ngipin. Napakayaman niya sa gold teeth, ha." Maarte niyang pinag-krus ang kaniyang mga hita. Tumaas ang laylayan ng tube-dress niya, at nahantad ang makinis at maputi niyang hita. Mabilis naman siyang sinaway ni Armelita na maihahalintulad kay Maria Clara kung manamit. "Umayos ka ng upo, Chiara. Baka makita ka ni Lola, pagagalitan ka noon." Hindi pa ito nakuntento at kumuha ng towel para takpan ang hita niya. "Seriously, Armelita? Bikini model ako at hindi na bago sa akin ang magpakita ng balat sa mga tao. Wala rin namang tao sa paligid maliban sa ating dalawa. Huwag kang OA." "

Baka Magustuhan Mo Rin