
CEO, MULING NAKITA ANG BABAE SA OSPITAL. MAY SAKIT PALA ITO. PAKAKASALAN NIYA AT HINDI IIWAN, BAKIT?
97:38 · 1,865,208 plays
Mula sa album AMIHAN STORIES
Paglalarawan
Amihan Stories Love Story | FULL STORY: CEO, MULING NAKITA SA OSPITAL ANG BABAENG PALANGITI NA NAKILALA SA GYM. MAY SAKIT PALA ITO. PAKAKASALAN NIYA ITO AT HINDI IIWAN, BAKIT? | Pinoy Romance Audiobook | Tagalog Love Story | Love Story Tagalog | Pinoy story Written by: Maybel Abutar Narrated by: Sasa Edited by: Amihan Title: Woke Up Married to the CEO Exclusively written for Amihan Stories Alas-siete pa lang ng umaga, buhay na buhay na ang Flexifit Gym sa mga customer na maagang nagpapawis. Nakaupo naman sa reception desk si Peach na may masiglang ngiti sa labi. Nakasuot ang dalaga ng kulay peach na polo shirt na may logo ng gym, ipinares sa itim na slim jogging pants at puting rubber shoes. "Good morning!" masayang bati ni Peach nang bumukas ang pinto ng gym. Pumasok ang isang lalaki at nagpalinga-linga sa paligid na parang may hinahanap. Naka-gray sleeveless workout shirt ito na humahapit sa machong katawan, at nagpapalitaw sa maganda nitong biceps. Pinaresan pa iyon ng itim na athletic shorts na hanggang tuhod at isang pares ng puting rubber shoes. May maliit itong gym bag na nakasabit sa balikat at may tuwalya na nakalagay sa leeg. Halata rin sa katawan nito na sanay ito sa mga pisikal na aktibidad. "Welcome sa FitZone Gym, sir! First time niyo po ba rito?" tanong niya sa mas malakas na boses para makuha ang atensyon nito. Bumaling sa kanya ang lalaki. Sandali siya nitong pinagmasdan bago dahan-dahang ngumiti. Lumitaw ang dimple sa kanang pisngi nito, at lalo pang naging kapansin-pansin ang mukha nitong may pagka-chinito at bahagyang mestiso ang dating. "Ahm... yes, miss. Napadaan lang ako rito, at iniisip ko kung kukuha ba ako ng membership." Malapad na ngumiti si Peach na mas lalong nagpasingkit sa dati na niyang singkit na mga mata. "Sir, warning lang po. Maraming napapadaan dito na halos ayaw nang umalis. Kung aalis naman sila, bumabalik-balik pa rin makailang araw." Natawa ang lalaki. "Ganoon ba? Bakit naman?" __________________ DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to ac
Baka Magustuhan Mo Rin
- 1
AlbumHipsters Ponto Tech
Alura - Hipsters Network... · 3,431 plays
- 2
AlbumBhozy Radio
1,221 plays
- 3
AlbumFantasy Football Today
CBS Sports... · 5,133 plays
- 4
AlbumU?OPIA
U?OPIA · 9,698 plays
- 5
Album3 Quick Ones
KEVIN.WAV · 5,192 plays
- 6
AlbumJerzy Bożyk
Jerzy Bożyk · 3,542 plays
- 7
AlbumThe Road Goes On
The Road Goes On · 11,428 plays
- 8
AlbumGrotesque Tribulation
Monument of Fear · 4,314 plays
- 9
AlbumSan Frandiscothèque
Wu Am I · 12,199 plays
- 10
AlbumSimon Marsden: A Life in Pictures (Original Soundtrack)
Hugh Doolan · 7,044 plays
- 11
AlbumPine for the Walking
Jürgen Freud · 3,790 plays
- 12
AlbumPablo Zarza
Pablo Zarza · 174 plays