
BABAENG PLUS-SIZE, PINAGLARUAN NG GWAPONG LALAKI. LALAYASAN NIYA ITO AT ITATAGO ANG KANILANG ANAK!
74:10 · 9,628 plays
Mula sa album Dear Amihan Stories
Paglalarawan
Tagalog Love Story | Salviejo Brothers Series 3: My Daughter with my Plus-Size Ex-Girlfriend | BABAENG PLUS-SIZE, PINAGLARUAN NG GWAPONG LALAKI. LALAYASAN NIYA ITO AT ITATAGO ANG KANILANG ANAK! | Inspirational Love Story Kilig Love Story Tagalog Romance Written by: Bb. Manunulat Narrated by: Miss JeyEy Revised and rearranged by: Andrea Gale Nasa labas pa lang siya ng gym, naririnig na niya ang sigawan at tawanan ng mga kaibigan ni Silas. Walang ibang tao roon kundi ang mga ito lang kaya mabilis niya ring nakita ang mga ito. Lalapit na sana siya nang marinig ang pinag-uusapan ng mga ito. “Ewan ko ba diyan kay, Silas. Masyado na yata niyang nae-enjoy ang pagiging protector at boyfriend sa mataba niyang girlfriend ‘kuno’ kaya hindi pa sila nagbi-break,” natatawang sabi ni Austin. Nagtawanan ang mga ito. “Kailan ba kayo maghihiwalay, bro? Irereto ko sa ’yo agad si Tina, sigurado akong magugustuhan mo ’yon. Ang tagal na niyang patay na patay sa ’yo, eh,” sabi naman ni Carl. “Paano naman kasi niya hihiwalayan ang matabang babaeng ’yon kung daig pa no’n ang koala kung makadikit at makakapit kay Silas. Naaawa na nga ako sa kaibigan natin dahil sigurado akong sagad na sagad na ang pasensya niyan,” sabi ni Nick. “I told you, guys, she’s just a fling and we will be over soon. Alam n’yo naman na aalis din ako papuntang Los Angeles para doon mag-aral ng medisina,” nakangiting sagot ni Silas. Nanlaki ang mga mata ni Lyra sa kan’yang narinig. Hindi na niya napigilang maiyak sa sakit. Hindi siya makapaniwala na ganoon lang pala ang tingin ni Silas sa kan’ya matapos ang lahat ng pinagsamahan. She was just a fling to him. Para saan pa ang mga matatamis na salitang sinabi nito sa kan’ya, ang mga pangako nito? Umiiyak na tumakbo siya palabas ng gym, nabitiwan na rin niya ang hawak na pregnancy test. Dumiretso siya sa penthouse ni Silas para kunin ang lahat ng mga gamit niya. Pagkatapos nito sa gym ay siguradong diretso na ang mga ito sa court para sa practice game kaya may oras siya para mag-empake. Bago pa makipagh
Baka Magustuhan Mo Rin
- 1
AlbumHPV Free: A Holistic Approach to Boost the Immune System and Clear the Infection Naturally
7,384 plays
- 2
AlbumAn Introduction to Feng Shui: For the Home and Office
1,395 plays
- 3
AlbumRashmi M Agrawal
Rashmi M Agrawal · 4,983 plays
- 4
AlbumBlanca Paloma Radio
Piqued Jacks · 3,463 plays
- 5
AlbumSly Swift
Sly Swift · 3,071 plays
- 6
AlbumAntony Westgate, Vol. 1
Antony Westgate · 8,479 plays
- 7
AlbumMidnight Cycler Radio
9,818 plays
- 8
AlbumCuerda
El Legado de los Titanes · 1,395 plays
- 9
AlbumArthur Reynolds Radio
DJ Ino · 4,304 plays
- 10
AlbumPALMR Radio
3,232 plays
- 11
AlbumThe Crucial
Mr. Snooze · 8,145 plays
- 12
AlbumYoungest N Charge
Luhdae00 · 3,314 plays