SpotifyToMP3
ASO'T PUSANG MGA DOKTOR, NA-IN LOVE, NGUNIT ISANG AKSIDENTE ANG BABAGO SA BUHAY NILANG DALAWA...

ASO'T PUSANG MGA DOKTOR, NA-IN LOVE, NGUNIT ISANG AKSIDENTE ANG BABAGO SA BUHAY NILANG DALAWA...

71:58 · 2,962 plays

Mula sa album Mi Amor Tales

Paglalarawan

FULL STORY: Guanzon Series 8: Please Remember Us, Doktora… | ASO'T PUSANG MGA DOKTOR, NA-IN LOVE, NGUNIT ISANG AKSIDENTE ANG BABAGO SA BUHAY NILANG DALAWA... | Kilig Love Stories Tagalog Audiobook Inspirational Stories Written by: August R. Narrated by: Miss JeyEy Revised and rearranged by: Andrea Gale “Oy! Alam mo talagang pupunta ako, ‘no? Kaya ka lumabas ng clinic mo?” Mariing napapikit si Rosemarie dahil sa boses na narinig sa kanyang likuran. Kilala na agad niya kung sino ‘yon. “Tanghali na, nananaginip ka pa yata.” “Baka kamo ikaw ang nananaginip dahil nakakita ka ng anghel sa harapan mo. Akala mo tuloy ay nananaginip ka ng gising,” anang huling taong gusto niyang makita nang araw na iyon, si Elikai Guanzon. “Oo, sa panaginip ka lang kasi may mukha. Sa personal mukha kang Onychocryptosis.” Sabi niya bago dali-daling sumakay sa bumukas na elevator. “Oh, ba’t sasakay ka rin?!” nanlalaki ang mga matang singhal niya kay Elikai. “Hindi ako mukhang ingrown, huh! Crush mo nga ang ganitong mukha, ‘e,” mayabang na anito. “Saka anong akala mo, pumunta ako rito para makita ka lang?” Ang mga taong kasabay nila sa lift ay nagtatawanan na. Wala nang pakialam sa kanila dahil sanay na sa bangayan. Pinagtatawanan na lang silang dalawa. Nakakahiya. “Ganyang mukha?! H’wag na lang.” “Di pa aminin. Na-miss mo lang ako, ‘e saka anong h’wag na lang? Crush mo si Ethan, ‘e. ‘Di ba magkamukha naman kami no’n kaya crush mo na rin ako!” Nasa magkaibang ospital sila; ang VLCI Hospital at ang Guanzon’s Healthcare. Magkalayo man at hindi magkasama sa trabaho ay talagang hindi na maaalis na ikompara sila sa isa’t isa. Magyabangan ng mga achievements kapag nagkikita. Sugurin ang isa’t isa at mag-away na parang mga bata. “Ugali kasi ang tinitingnan ko, hindi mukha. Hindi ako pumapatol sa hambog.” Angil niya. Nang bumaba siya sa elevator ay lumabas din ito kaya naiirita niyang binilisan ang hakbang. “Ano ba?!” “What? Papunta rin ako kay Tita Katana.” Tita rin naman niya ang Director pero dahil nasa ospital sila ay professional

Baka Magustuhan Mo Rin