
Pagkakaisa sa Katawan ni Cristo | EFESO 4 - (LIVE STREAM)
42:28 · ٣٥٬٩٢٦ استماع
من الألبوم READ SCRIPTURES
الوصف
Rerad Scriptures: EFESO 3 Pagkakaisa sa Katawan ni Cristo 1Kaya't ako na bilanggo sa Panginoon ay nagsusumamo sa inyo na kayo'y lumakad ng nararapat sa pagkatawag na sa inyo'y itinawag, 2na may lubos na kapakumbabaan at kaamuan, may pagtitiyaga, na magparaya sa isa't isa sa pag-ibig; 3na nagsisikap na mapanatili ang pagkakaisa ng Espiritu sa buklod ng kapayapaan. 4May isang katawan at isang Espiritu, kung paanong tinawag kayo sa isang pag-asa ng pagkatawag sa inyo, 5isang Panginoon, isang pananampalataya, isang bautismo, 6isang Diyos at Ama ng lahat, na siyang nasa ibabaw ng lahat, at sumasa lahat, at nasa lahat. 7Subalit sa bawat isa sa atin ay ibinigay ang biyaya ayon sa sukat ng kaloob ni Cristo. 8Kaya't sinasabi, “Nang umakyat siya sa itaas ay dinala niyang bihag ang pagkabihag, at nagbigay siya ng mga kaloob sa mga tao.” 9(Nang sabihing, “Umakyat siya,” anong ibig sabihin nito, kundi siya'y bumaba rin sa mas mababang bahagi ng lupa? 10Ang bumaba ay siya ring umakyat sa kaitaasan ng sangkalangitan upang kanyang mapuspos ang lahat ng mga bagay.) 11Pinagkalooban niya ang iba na maging mga apostol, ang iba'y propeta, ang iba'y ebanghelista, at ang iba'y pastor at mga guro; 12upang ihanda ang mga banal sa gawain ng paglilingkod, sa ikatitibay ng katawan ni Cristo, 13hanggang makarating tayong lahat sa pagkakaisa ng pananampalataya, at sa ganap na pagkakilala sa Anak ng Diyos, hanggang maging taong may sapat na gulang, hanggang sa sukat ng ganap na kapuspusan ni Cristo. 14Tayo'y huwag nang maging mga bata, na tinatangay-tangay ng mga alon at dinadala-dala ng bawat hangin ng aral, sa pamamagitan ng pandaraya ng mga tao, sa pamamagitan ng kanilang mga katusuhan sa paraang mapandaya. 15Kundi humahawak sa katotohanan na may pag-ibig, lumago tayong lahat sa kanya, na siyang ulo, samakatuwid ay si Cristo, 16na sa kanya ang buong katawan na nakalapat na mabuti at nagkakaisa sa pamamagitan ng bawat litid, ayon sa paggawa sa sukat ng bawat bahagi ay nagpapalaki sa katawan tungo sa ikatitibay ng sarili sa pag-ibig. #fait
قد يعجبك أيضاً
- 1
ألبومamore Radio
٨٬٦٩٨ استماع
- 2
ألبومM99
Dyvour · ٦٬٠٦٣ استماع
- 3
ألبومHierarchy
Moments · ٣٬٤٧١ استماع
- 4
ألبومShadi Ke Mazza
Bhim Bahar · ٩٬١٦٧ استماع
- 5
ألبومADM
ADM · ٧٬٥٢٧ استماع
- 6
ألبومHenry Barci
Henry Barci · ٣٬٢٢٠ استماع
- 7
ألبومBETTY
BETTY · ٧٬٥٩٩ استماع
- 8
ألبومFOE K3
FOE K3 · ١٠٬٨٣٨ استماع
- 9
ألبومCanzonacce
Orchestraccia · ٦٬٧١٢ استماع
- 10
ألبومR2rcam
R2rcam · ٥٬٤٧٠ استماع
- 11
ألبومThe Veiled Eyes Collective
bhzlu · ٨٬٥١٥ استماع
- 12
ألبومElle
KYS · ٥٬٨١٦ استماع